"R. A. 8792." I answered. "This Act aims to facilitate domestic and international dealings, transactions, arrangements, agreements, contracts and exchanges and storage of information through the utilization of electronic, optical and similar medium, mode, instrumentality and technology to recognize the authenticity and reliability of electronic documents related to such activities and to promote the universal use of electronic transaction in the government and general public."
Ave pouted, parang masama pa ang loob na nasagot ko ang tanong niya about Section 3 or the objective of the R.A. 8792, muli nitong binalingan ang sariling cellphone kung saan ito nagba-browse ng mga tinatanong niya. Hindi ako nainform na may pa-surprise quiz pala today. Kanina pinag-uusapan lang namin ang tungkol sa business na itinayo namin a year ago, ang Legally Rooted, it's a restaurant exclusively for vegetarians. We offered organic, fresh produce and featured a variety of grains and meatless protein sources. "Kapag ba law student required na dapat memorized lahat ng laws?" maktol nito bago dahan-dahang ngumiti at excited na tumingin sa akin. "Sa tingin mo Ez, pwede din kaya ako mag-law? Ang cool din kasi tingnan nina Manager at Manager 2! Tapos naiimagine ko na iyong sarili ko na nagsasabi ng, Objection, your honor."
Bago sumagot, uminom muna ako ng inorder kong Cafe Breve, bukod sa ambiance and books, ito talaga ang binabalik-balikan ko dito sa Coffee with Art. "Hindi ka pa nga psychiatrist, gusto mo na namang mag-aral?" tugon ko na ikinangiwi nito. "Ano bang plano mo sa buhay, mag-aaral at magtatayo ka na lang ng mga business? Paano naman si Kirsten? Nagpropose ka na di ba? Uso gumalaw, Ave. Kapag iyon nauntog, ewan ko na lang sayo."
"Ez!" Mabilis naman nitong kinatok ang table na inookupa namin. "Si Liv yun, hindi ako iiwan nun, tapos hindi din naman ako papayag na maiwan. Kami na talaga sa isa't isa. Period. No erase. Padlock. Tapon Susi." hinihingal pang dugtong nito. "Palibhasa wala kang girlfriend kaya ang bitter mo. Ngayon na nga lang tayo nagkita tapos sinusumpa mo pa iyong lovelife ko." parang batang pinagkrus pa nito ang mga braso. Ang cute lang talaga ng kaibigan niyang ito, kung umasta akala mo hindi CEO.
"Excuse me, Miss Leaño, ikaw itong sobrang daming ganap sa buhay. Lahat na lang ng profession gusto mong subukan. Kung hindi pa kita naabutan dito sa shop mo, hindi pa kita makikita ng personal." iiling-iling kong bwelta. "Kailan ba kasal niyo?"
Ave bit her lower lip, halatang nagpipigil ng kilig, kapansin-pansin din ang kakaibang kislap ng mga mata nito. Halatang in love. We've been friends for two years now, nagkakilala kami dito mismo sa coffee shop niya. Noong panahong nagsisimula pa lang ulit akong buuin ang sarili ko. She talked to me, consoled me. Gusto lang daw niyang subukan kung may pag-asa daw ba siyang maging legit na psychiatrist o talagang nakatadhana na maging pasyente lang siya. Hindi pa ako noon aware kung anong ibig niyang sabihin, but as days go by, I became acquainted with her past struggles, pain and scars. Kung kaya't lalo lang akong humanga sa kanya, sobrang strong ni Ave, minsan nga gusto ko na lang siyang isako at iuwi.
"I'm just waiting for Liv, Ez." malawak ang ngiting sagot ni Ave. "Ako naman ang maghihintay sa kanya." I hummed and stared at her, she's busy admiring her wallpaper, picture of Kirsten. They were lucky to find each other. "How about your volleyball player? Kayo na ba?" napahagikhik ito ng mapansin ang bahagyang panlalaki ng mga mata ko.
"Y-You?! H-How—?"
"What?" tumatawa pa ding tanong nito. "Kailan mo ba balak ibigay ang portrait na pinagawa mo? Pinagmadali mo ako tapos itatambak mo lang naman pala sa kwarto mo. Uso gumalaw, Ez." Na-back to you pa nga! "Look oh, ang ganda-ganda ng pagkakagawa ko." Itinaas nito ang hawak na cellphone na may picture ng ginawa nitong portrait ni Axeia. "Halatang inlove ang nagpagawa!" pang-aasar nito, kung kaya't hindi na ako nakatiis at hinablot ang cellphone niya. "Hey, Ez, baka tumawag si Liv!" turan nito habang pilit inaabot ang cellphone na hawak ko, natatawa ko namang pinanonood ang pagtalon-talon nito. "Ez naman ihhh!"
BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Teen FictionEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...
