1

292 14 0
                                    



"Oh?" bored kong turan nang mabungaran sa labas ng condo si Georgia. "Anong ginagawa mo dito?"



Nakakrus ang mga braso nito at matalim na nakatingin sakin, napansin ko din ang maleta nito. Mukhang dito siya dumiretso mula sa hotel kung saan ginanap ang bubble training nila. Nasa New Normal na kasi ang status ng lugar nila kaya hindi na masyadong mahigpit. Balita ko nga ay ia-allow na rin ang audience for their game but with physical distancing and mask pa rin syempre.



"Hmp! Maniningil." maarteng tugon nito, tuloy-tuloy lang itong pumasok at naupo sa sofa. "Sipag namang mag-aral ni Attorney. Sana all." komento pa nito nang makita ang codals at digest na nasa table.



Napailing na lang ako habang ipinapasok ang maletang iniwan nito. Ni-lock ko na din ang pinto at muling naupo sa carpeted floor para ipagpatuloy ang pagsusulat ng digest.



"Hoy Ez!" pangungulit ni Georgia. "Pansinin mo ako. Nagtatampo kaya ako." nakanguso pang maktol nito. "Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa mo. Best friend mo ako, pero iyong crush mo lang ang binigyan mo ng Jollibee!"



Natawa na lang ako sa sinambit nito. It's been a week pero hindi pa rin ito maka move-on.



"Okay, nag dinner ka na ba?" I asked at umiling naman ito. "What do you want? Mag-oorder ako."


"One piece chicken ng Jollibee, pizza ng Greenwich, burger ng Mcdo and Caffe Latte ng SB." nakangising turan nito "And do me a favor later."


"Napakaarte, hindi ba pwedeng isang store lang? Papahirapan mo pa ako, tapos kawawa din iyong mga rider!" kunot-noong saad ko at saka inabot dito ang cellphone. "Ikaw na lang mag-order, damay mo na lang ako ng coffee."



Tuwang-tuwa naman nitong tinanggap ang cellphone ko. Hindi na ako magtataka kapag natripan nitong umorder ng kung anu-ano. Wala namang problema sakin, pagkain lang naman talaga ang katapat ng pagtatampo kuno nito.



"Tapos ka na pala, kain na." alok ni Georgia paglabas ko ng kwarto, naligo kasi ako. "Dito ako matutulog ha, magpupuyat ka ba?"


"Ginutom ka ba nila sa training?" I asked dahil ang dami niyang inorder. Kumuha lang ako ng isang slice ng pizza at kape. "I'll finish my digest tapos may irereview akong case."


"Tawagan mo si Arya saka si Alice, sleep over!" excited nitong turan.


"I'll finish my digest tapos may irereview akong case." ulit ko dito. "Busy ako, G."


"Grabe naman, ngayon na nga lang ako nakalabas e! Isang buwan kaya akong nakakulong. Miss ko na rin iyong dalawa, Ez." parang batang maktol nito.

That Volleyball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon