8

153 9 1
                                    



I can buy myself flowers

Write my name in the sand

Talk to myself for hours

Say things you don't understand

I can take myself dancing

And I can hold my own hand

Yeah, I can love me better than—-



Awtomatikong napahinto ang mga paa ko sa pagpasok sa kusina when I saw Axeia and Fernandez talking. Hindi ko rin sinasadyang mapindot ang pause button ng kantang pinakikinggan. Gusto ko lang naman sanang magkape! Panic took over my body when Axeia saw me, kaya nagmamadali akong umalis. I even heard her calling my name, ramdam ko din ang pagsunod nito sa akin. Mabilis akong tumakbo palabas at kaagad nagtago sa isang malapit na cottage. Bakit ba ako nagtatago in the first place? Wala naman akong kasalanan, oo, tama si G! Si G talaga ang may kasalanan nito!



"I'm such a fool." I whispered at mas isiniksik pa ang katawan sa pinagtataguan when I heard her footsteps. "Nakakatanga ata ang hangin dito sa resort." saad ko pa dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako umiiwas.



Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa pwesto ko, kung hindi pa ako nakaramdam ng pangangawit ay hindi pa ako lalabas. Muli ko pang inilibot ang paningin to make sure na walang anino ni Axeia ang nakasunod sa akin. I sighed in relief and decided to run another lap. I've been running since 5 in the morning, isang oras din ata akong tumakbo when I decided to get a cup of coffee. Then here I am, running again, dahil lang sa sinapian ako ng katangahan! Mga desisyon ko talaga sa buhay?!



"You jogged?" Arya asked ng nakasalubong ko ito habang patungo ako sa kwarto namin ni G. I nodded. "Kanina ka pa hinahanap ni Georgia, change your clothes then sumunod ka na sa baba. We're going to eat."



Mabilis naman akong nag-shower at nag-ayos ng sarili. Kung hindi nga lang sa gutom na nararamdaman, pipiliin kong matulog na lang. I felt drained. Hindi na ako magtataka kung sobrang sakit ng katawan ko bukas.



"Ay ang fresh naman ni Cap, kakahiya naman sa buhok kong hindi man lang nasuklay." puna ni Gen ng makarating ako sa dining area.


"Nag-jogging ka Ez? Dapat niyaya mo ako!" turan naman ni Teresa. "Running on the beach can increase athletic performance."


"Iyon ang pinagawa sa atin ni coach last training camp natin di ba? Naalala ko pang halos mahimatay na itong si Angel. Nagpuyat pa kasi." singit naman ni Pots na sinundan pa ng ilang komento ng iba nilang teammates, hanggang sa magsimula na silang magbalik-tanaw sa mga nangyari noong training camp nila.



Nakaupo na kasi silang lahat at mukhang ako na lang talaga ang hinihintay. Ang ha-hyper, mukhang hindi uso sa team na'to ang salitang hangover. Napabuga ako ng hangin ng mapansin na iyong sa tabi lang ni Axeia ang may bakante. To make things worst, ramdam ko iyong tingin sa akin ni Axeia but I'm trying my best not to meet her gaze. Why? Hindi ko pa rin alam!

That Volleyball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon