"I saw the news that the latest violence has caused more than 1,200 deaths in Israel and at least 21,320 in Gaza, according to authorities on both sides." Cielo Ruiz, the middle blocker of the Cloud9 Twisters, stated. Hindi ko matandaan kung bakit umabot na sa digmaan sa Israel ang usapan samantalang kanina lang ay dinosaur extinction ang topic namin. "According to Save the Children data in early November, a child was being killed every 10 minutes. The UN has called the besieged Palestinian enclave "a graveyard" for children due to the high casualty figures."
"Israel's unilateral disengagement, that's the main reason of conflict between the two. Palestinian militants have targeted a number of military bases and civilian towns in Southern Israel. Since 2001, Palestinian militants have launched thousands of rocket and mortar attacks on Israel from the Gaza Strip, killing, injuring and traumatizing Israeli civilians." I answered bago sumulyap kay Amber, taimtim itong nakikinig sa kung ano mang sinasabi ni G. Akalain mo nga namang magkakasundo kaagad ang dalawa. For sure, ako ang topic nila, dahil kanina ko pa napapansin ang pagsulyap nila sa akin bago pasimpleng tatawa. Tsk! Ang katabi naman ni G na si Fernandez ay kanina pang abala sa cellphone nito magmula ng mag request si G ng groupie para daw sa IG story niya. "Question." turan ko na ikinalingon sa akin ng apat. "Bakit pakalat-kalat kayong tatlo dito sa mall?" tukoy ko sa tatlong players. "Finals are just around the corner. Magkalaban pa ang team niyo. Hindi niyo ba kailangang mag-practice?"
Si Amber lang kasi talaga ang kasama ko kanina, bumibili kami ng law books then nakita namin si Ruiz. Nagpatulong itong humanap ng books for her niece and as a way of her gratitude, niyaya niya kaming kumain. So dahil libre, kaagad pumayag si Amber at hinila ako. On our way to the food court, nakasalubong naman namin sina G and Fernandez.
"Rest day." maikling tugon ni Ruiz. "Birthday ng pamangkin ko sa Thursday, kaya bumili ako ng books para iregalo."
"It's our rest day too, so bumili kami ng shoes." G answered at bahagyang pang itinaas ang paper bags na bitbit nito kanina. "Bakit ka-date mo si Ruiz, Ez? Sumbong kita kay Tita, nakikipag date ka na nga lang sa kalaban pa."
I frowned, imbento na naman ang babaeng ito. "Si Amber talaga ang kasama ko, nakita lang namin 'to." turo ko kay Ruiz. "Kung may magka-date man dito, kayong dalawa yun ni Fernandez." turan ko na ikinasamid ni Fernandez, kapansin-pansin din ang pamumula ng mga tainga nito.
"Hoy! Issue ka Ez, nag-volunteer lang itong si Rylee na samahan ako since bibili din siya ng bagong sapatos." angal ni G. "Tama ako di ba?" baling nito sa katabi habang patuloy sa pagtapik sa likod ni Fernandez.
"Ah–oo. T-Tama si Cap."
I shrugged, ayokong pangunahan si Fernandez, pero halata namang may gusto ito sa best friend ko. Ngayon ko lang napatunayan na may pagka manhid pala si G.
"A-Actually, bagay naman kayo." singit ni Amber. "May mga shippers na nga kayo sa Tiktok."
"Amber akala ko pa naman friends na tayo, pero kung sobrang loyal mo kay Ez, kalimutan mo na ang tickets na ipinangako ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/333401917-288-k839055.jpg)
BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Novela JuvenilEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...