"Service ace for Crux!"
I glanced at the scoreboard, Set 3 na, parehong may tig-isang set na nakuha ang Ace Holes and Magnum Spikers. Lamang ng 3 points ang Ace Holes at kasalukuyan ngang nagpapaulan ng service aces ang setter nila na si Addison Crux.
"Sa tingin mo baby, mananalo sina Gabi? Mukhang stress na stress ang beauty niya oh, sayang ang pagpapakilay niya kung ikukunot-niya lang buong set." Saglit kong sinulyapan si Mama, focus lang ang tingin nito sa court habang ngumunguya ng popcorn, akala mo'y nanonood lang ng sine. "Ikaw Hon, saan ka pupusta, sa team ni Gabi o sa team ng ex ng future girlfriend ni baby?" Awtomatikong kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Wag ka ng umangal baby, ako na nga nagma-manifest kasi ang bagal mong gumalaw."
Nanatili ang pagkakakunot ng noo ko while watching the game. Until now, palaisipan pa din sa akin kung paanong nainlove si Mommy kay Mama. Masyado silang opposite, tapos isip-bata pa si Mama! Hindi ko nga akalaing magmamahal ulit si Mommy after mamatay ni Daddy. Pero okay lang naman sa akin, kahit naman mas mature ako kay Mama, nakikita ko naman kung paano niya mahalin, pasayahin at alagaan si Mommy.
"Don't tease our daughter, Hon. Alam mong wala pang matinong tulog yan, baka bigla na lang magwalk-out." sita ni Mommy kay Mama. "Our Georgia would find a way to win, hindi naman papayag ang batang yan na hindi sila umabot ng finals."
"Sabagay, mabuti na nga lang naipanalo nila ang Game 2, nasa kanila sana ang momentum ngayon pero mahusay din ang players ng kabilang team." komento ni Mama habang sinusubuan si Mommy, akmang susubuan din ako nito pero mabilis akong umiling. "Hindi ka ba naiinitan baby? Naka-hoodie ka na nga, naka-mask ka pa. Ang feeling mo masyado, hindi ka naman artista."
Walang imik ko namang itinuro ang upper box kung saan nakapwesto ang EzEia shippers na hindi ko alam kung bakit hindi pa din nabubuwag. May malalaki pang tarpaulin ang mga ito na may mukha ko at mukha ni Axeia.
Natatawa namang kinuha ni Mama ang cellphone niya at kinuhanan pa sila ng pictures. "I'll send this to Alice."
"Are you okay? Hindi ba sumasakit ang ulo mo?" Mommy whispered at hinawakan pa ang kamay ko. "You can sleep later, okay? I'm sorry we have to drag you here, request kasi ng bestfriend mo. You know how important this game is to her."
"I'm okay Mom, don't worry." I answered although medyo pumipitik na iyong ulo ko.
Wala naman talaga sa plano ko ang manood ngayon, dahil ang balak ko ay bumawi ng tulog. Puyat, pagod at lutang talaga ako dahil katatapos lang ng final exams. Isa o dalawang oras lang kasi ang nagiging tulog ko nitong mga nagdaang araw. Minsan fifteen minutes lang dahil pinanonood ko ang replay ng laro nina G. Nakapasok sila sa semis, pero natalo naman sa Game 1, good thing they made some adjustments kaya nakuha nila ang Game 2. It's a do or die game, kung hindi sila mananalo ngayon, goodbye finals na.
Napuno ng sigawan ang arena ng tulungang tumayo ni Addison si Axeia, napaupo kasi ito matapos mag-spike. Nakuhanan pa ng cameraman ang saglit na pag-uusap at pagngiti nila sa isa't isa kaya lalong nagwala ang mga fans ng dalawa na present din ngayon.
BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Teen FictionEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...
