9

215 11 0
                                        



"The case originates from events that occurred a year after the 2004 national and local elections. On June 5, 2005, Press Secretary Ignacio Bunye told reporters that the opposition was planning to—-"


"Natalo ng Cloud9 Twisters ang Magnum Spikers." untag ni Amber habang nakatitig sa cellphone nito. "Akala ko pa naman sila ang unang makakapasok sa semis."


Yeah, I heard that too. "I thought you wanted to know about the case. Hindi ka naman pala nakikinig." sita ko dito.


"S-Sorry na." nakangusong saad ni Amber sabay yakap sa kaliwang braso ko. "Gusto ko namang makinig sa case na tinuro ni Prof Lacson, kaya lang iyong utak ko malapit ng takasan ng katinuan. Bakit ko ba kasi naisipang mag-law?"


"Gusto mong bigyan ng hustisya iyong pagkamatay ng pusa mo, that's your answer when I asked you the same question two years ago." sagot ko habang nadi-distract sa paulit-ulit na pag-vibrate ng sariling cellphone. "Who's this?" I whispered while staring at the unknown number na kasalukuyang tumatawag.


"Nakainom ata ako noong mag-enrol." wika ni Amber. "Saka napanaginipan ko si Whitey, okay na daw siya, hindi ko na daw kailangan hanapin pa ang taong nakasagasa sa kanya." tumatango-tango pang dugtong nito. "Malulungkot ka ba Ez, kapag nag-drop na ako? Wala ng mangungulit at magpapatutor sa'yo."


"Of course n–"


"Oh my God, it's Axeia!" Lito ko naman itong nilingon, nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa harapan. "Kanina lang nalulungkot ako sa pagkatalo nila, hindi ko naman expected na makikita ko siya ngayon. Grabe ang hot naman this girl!"



I stopped walking at nilingon din ang tinitingnan nito. Bahagya pang napaawang ang labi ko when I saw Axeia leaning on her car, nakasuot pa ito ng jersey na pinatungan lang ng jacket. Noong una'y kunot-noo itong nakatingin sa sariling cellphone, ngunit nang magtama ang paningin namin ay nagsimula na itong maglakad, hindi alintana ang mga matang nakasunod sa bawat galaw niya.



"Hala, ako lang ba o sa atin talaga lalapit si Axeia?" muling saad ni Amber na hindi mapakali sa tabi ko, ramdam ko pa ang panggigigil nito habang nakayakap pa rin sa braso ko. "Gagi Ez, ito na ba ang pangako mong ipapakilala mo ako sa Magnum Spikers? Bakit naman ganun, bakit naman isang Axeia Zadie Tejano agad-agad?"



Hindi ko na nagawa pang sagutin si Amber dahil sa isang iglap ay nasa harapan na kaagad namin si Axeia.



"I've been calling you, hindi mo sinasagot Elliot." Hindi ito sa akin nakatingin kundi sa kamay ni Amber na nasa braso ko. "Busy ka pala kasi." mahinang dugtong pa nito bago tuluyang nag-angat ng tingin sa akin.


I frowned. "A-Anong ginagawa mo dito sa Univ?"


"Sinusundo ka." Attitude na sagot nito. What happened, bakit ang sungit nito ngayon? Okay naman ito noong last time na nagkita kami, sinamahan pa nga niya ito magpa-henna.

That Volleyball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon