"--- the names and ages of the common children of the parties, specify the regime governing their property relations, the properties involved, and creditors, if any. If there is no—"
Mula sa pagtulala sa maliliit na alon na nasa harap at pakikinig sa audio lecture, nabaling ang atensyon ko sa taong bahagyang tumapik sa balikat ko. Maagap kong tinanggal ang suot na airpods.
Bahagyang umawang ang labi ko sa gulat, kasunod ng pagkunot ng noo ko. Anong ginagawa niya dito?
"Sabi ko na nga ba, ikaw iyan." nakangiting pahayag nito, medyo hinihingal pa. Pawisan din ito pero hindi man lang nag mukhang haggard. Akalain mong personal kong nakita ang sinasabi nilang pagiging always fresh nito.
"Mag-isa ka na naman?" bulalas ko, hindi ko pa rin kasi makalimutan ang paggala nito ng mag-isa sa mall.
Pasimple kong inilibot ang tingin sa paligid ng baywalk. Kumpara sa mall, less crowded naman dito. May grupo ng binatilyong nagpapaikot-ikot sakay ng kanilang bisikleta, may mga couples na nagpapahinga sa ilalim ng mga puno, magkakaibigang magkakasunod na tumatakbo habang nagkukulitan, may mga kababaihang nagzu-zumba at ilang pamilya na masayang naghahabulan.
Axeia chuckled habang inaabala ang sarili sa pagpupunas ng pawis, wala ring paalam na naupo ito sa space na nasa tabi ko.
"Don't worry, madalas naman ako dito. So far, hindi ko pa naman nararanasang pagkaguluhan. Bukod sa maaga pa, may kanya-kanya ding mundo ang mga tao dito." pahayag nito bago uminom sa dalang tumbler. "How about you? Did you jog too?"
I nodded at ibinaling ang paningin sa unti-unting pagsilip ng haring-araw.
"Sure ka? Bakit ang fresh mo pa rin?" ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko kaya pasimple akong lumingon sa kaliwa ko para makaiwas dito. Sarili niya ata ang tinutukoy niya, tsk. "Ngayon lang kita inabutan dito, nagdadalawang-isip pa nga ako kung lalapitan kita o hindi."
"Every Sunday lang ako dito." I answered. During weekdays and Saturdays, tulog pa ako ng ganitong oras. Madaling-araw na din kasi akong natatapos sa pagbabasa, gigising lang ako two or three hours before my class.
"Kaya naman pala, bihira lang akong mag-jog every Sunday." nakangusong tugon nito bago naagaw ang atensyon ng papasikat na araw. "Ito talaga ang inaabangan ko dito." saad nito habang nakatutok ang cellphone sa harapan. "Alam mo ba noong naghiwalay kami, dito ko siya iniiyakan, tapos every sunrise, automatic na lang na nawawala iyong luha ko." nakangiting kwento nito. "Sunrise comforted me during those times."
"A-Are you okay now?" hindi ko napigilang itanong habang pinagmamasdan ang pagkinang ng mga mata nito habang nakatutok pa din ang atensyon sa sunrise. "I mean—" babawiin ko sana ang tanong ko but she interrupted me.
"Attorney." tawag nito na ikinangiwi ko, nahawaan na ata ito ni Georgia. "It's been a year since we broke up." pahayag nito which earned a frown from me. "I know, ang akala ng iba, bago lang. Five months pa lang, pero actually medyo matagal na." tumingin ito sa akin. "Hindi kasi lahat ng nasa social media, totoo."
I nodded. Kung sabagay, wala naman ngang confirmation from them about their break-up. Five months ago, nag-trending ang issue, when a fan posted a series of screenshots of their deleted pictures together on their social media accounts. Then nagsunod-sunod na ang paglabas ng mga fans na nag-ala-detective Conan. Kung ano-anong theories na ang nabuo, kung sino-sino ng third parties ang tinuro. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam kung bakit ba sila naghiwalay, nanahimik sila pareho. Pero habang tumatagal ang issue, si Axeia ang binato ng kung ano-ano. Kung sino-sinong idinidikit sa pangalan niya. Siya ang sumalo ng lahat ng hate comments.
"But to answer your question, yes, I'm okay." nakangiting tugon nito. "Okay din kami ni Addi, we talked and settled everything from the past."
"Pero bakit hindi mo dine-defend ang sarili mo from those bashers? Bakit hindi nagsasalita si Addison para ipagtanggol ka?" I asked to mend my hatred na rin sa ex niya since okay naman pala silang dalawa.
"Para saan pa?" she asked. "Addi wanted to talk, to defend me pero pinigilan ko. Hahaba lang kasi ang issue. Hindi naman nila ako kilala, hindi ko rin sila kilala. So, why bother? Ang importante, iyong mga taong kilala ako, iyong mga malalapit sa akin, alam nila kung anong totoo. Sa mga panahong iyon, doon ko din nakilala ang mga taong totoong nagmamalasakit sa akin." masiglang tugon nito. "Ang drama natin, Attorney, masyado pang maaga."
"But you know what," panimula ko. ".. I think you need to clarify things too, hindi man buong kwento ang ma-share mo at least iyon man lang fact, na okay kayo ni Addison. Hindi man as couple again, but as friends or acquaintances." naramdaman ko ang pagtingin nito sa akin but I tried to ignore it at nagpatuloy. "It's not for them, the fans or the bashers, it's for you, for Addison and for your future partners. Yeah, hindi naman talaga kailangan ng approval ng ibang tao when it comes to your private life, pero hindi ba't mas okay kung bago ka magbukas ng panibagong chapter sa buhay mo.. naayos mo na iyong gusot ng past mo? If ever man na may ipapakilala na kayong bago, hindi na nila kailangan pagdaanan iyong pinagdadaanan niyo ngayon. No haters, no bashers. Wala na silang masasabi, kasi malinaw na ang lahat." mabilis akong sumulyap sa kanya, pero maagap ding umiwas. "Opinion ko lang naman iyon."
"Thank you Attorney, that makes sense." seryosong saad nito. "Hindi ko naisip iyon, I thought it's enough na okay kami ni Addi. Hindi ko naisip ang future."
I remained silent at inabala ang sarili sa pag-inom ng tubig. Mataas na ang sikat ng araw, medyo maingay na din ang paligid. Nabaling lang ang tingin ko nang tumunog ang cellphone nito, hindi ko man sinadya, I saw the name of the person calling her.
"I need to go, Attorney. Mukhang hinahanap na ako." pamamaalam nito without answering the call. "Punta ka sa game namin, ha!" yaya pa nito. "Thank you again, kahit ni-seen mo lang ako sa DM ko, ililibre pa rin kita next time." biro pa nito bago tumayo.
Napakamot na lang ako sa noo ko, ramdam ang pamumula ng tainga dahil sa hiya.
"Ingat ka and just call me Ez. Hindi pa naman ako Attorney." tugon ko.
Tumango naman ito at muling ngumiti, bago sinagot ang tawag at tuluyan ng tumalikod paalis.
"Papunta na Ry, atat yern?"
Rylee Fernandez, her teammate at isa sa nalilink sa kanya ngayon.

BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Teen FictionEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...