"Attorney!" mula sa loob ng court ay malawak ang ngiti ni G habang kumakaway, inirapan ko lang naman ito. "Sungit!" nakangisi pang muling sigaw dito bago nagpatuloy sa pag warm-up.
"Here's your coffee para mabawasan ang pagsusungit mo." abot sa akin ni Alice. "Matulog ka na lang ulit couz after the game." turan pa nito bago tuluyang naupo sa tabi ko.
Hindi naman ako sumagot at tahimik lang na ininom ang sariling kape. Alam naman ng mga ito na wala talaga ako sa mood kapag kulang sa tulog. Pahamak kasi si Georgia, ang agang mambulabog. Alas syete pa lang ng umaga, hindi na tinigilan ang doorbell ko. Sinundo ako nito para lang masiguro na manonood ako ng game nila. Then, dinaanan namin si Alice. Missing in action na naman si Arya dahil may out of town na photoshoot. Dalawang oras pa lang ang tulog ko.
"Nakita mo na ito, couz?" Alice asked at ipinakita sa akin ang IG account ni Axeia. "Pinost niya yan last night, then nagpost din si Addison. Okay naman pala sila."
The post consisted of their pictures together, mukhang recent lang kasi short hair na si Addison, may pictures din na kasama ang mga common friends nila. May caption na nagpapahayag na although hindi nag-work ang relationship nila, they remain friends. I read some comments, may ilang bitter pa din at umaasang magkakabalikan pa ang dalawa, pero karamihan supportive at masaya sa naging desisyon ng dalawa na manatiling friends pa din.
"Good thing naisipan nilang gawin ito para mamatay na din ang mga issues about them. Mukhang positive naman ang impact ng posts nila." pagma-Marites pa ni Alice matapos kong ibalik ang cellphone nito. "Nakakaloka lang na mas dumami pa ang mga EzEia shippers lalo na noong may magpost ng pictures niyong dalawa while watching the sunrise." pabebeng turan nito na nagawa pang paluin ang braso ko. "Sorry couz, EzEia shipper 'to, hehe." muling saad ni Alice ng samaan ko siya ng tingin, muntik na kayang matapon ang kape ko.
"That's the main reason why I deactivated my verified accounts." nakasimangot kong sagot, mabuti na nga lang at pumayag ang handler ko na mag-deact din ako ng IG. May mga endorsements pa din kasi ako kahit hindi na ako naglalaro ng volleyball. "Don't tag my private accounts on your posts, couz. Kung hindi lang kailangan sa Univ, hindi na ako gagamit ng socmeds."
"Luh, dati ka na namang famous, couz. Medyo kumapal lang talaga ang mukha ng mga fans ngayon na nagagawa na nilang i-tag or i-mention iyong mga idols nila." hirit pa nito na lalo kong ikinasimangot.
"Hindi nga ako fam—"
Naputol ang kung ano mang sasabihin ko nang biglang umingay ang arena, I looked above to check kung anong meron, only to find out na mukha ko ang nakadisplay sa monitor. Hindi rin nagtagal ay nag split screen ito at nadagdag ang mukha ni Axeia na lalong ikinasigaw ng mga tao dito sa arena. Hindi man sinasadya ay hinanap ng mga mata ko si Axeia sa loob ng court at hindi ko inaasahan na nakatingin na pala ito sa akin. Mabilis akong napaiwas pero huli na, the fans got wild at wala na akong nagawa kung hindi magtakip ng mukha.
Nakakahiya! For sure, namumula na ako.
"Okay na couz, pwede ka ng umayos." natatawang untag ni Alice. "Pero grabe, kinikilig talaga ako sa inyo couz!"
"S-Shut up Alice." mahina kong tugon at dahan-dahang umayos ng upo, napairap pa ako nang makita ang ngisi ni Georgia habang pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Axeia. Nang-aasar pa!
"Yan ba ang hindi famous?" tanong pa ni Alice. "Upload ko ito sa story ko couz, ha?" muling iniharap nito ang cellphone sa akin. It was a video of what happened a while ago, nakuha din ang saglit na pagtatama ng mga mata namin ni Axeia.
BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Teen FictionEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...