17

209 13 3
                                    


Cloud9 Twisters pulls off a big rebound, stuns Magnum Spikers.

Cloud9 Twisters shows grit, survives Magnum Spikers challenge.

Twisters back in the mix, smother Spikers.



Paulit-ulit na nag-rereplay sa utak ko ang nabasang headlines about the second game of the Cloud9 Twisters at Magnum Spikers. Hindi ko ito napanood dahil pinag-extend pa ako nina Lola sa Japan. Hindi naman ako makatanggi dahil minsan ko lang din silang madalaw. Actually, kadarating ko lang at dito na agad ako dumiretso sa Arena.



"Anong iniisip mo Cap?" Ira asked habang patuloy pa rin ang pagsubo sa akin ng hawak niyang popcorn, wala naman akong magawa kundi tanggapin kasi napakamatampuhin ng isang ito. Palibhasa'y siyang pinakabata sa Thrill Seekers, kaya na-spoiled ng slight. "Hindi ka ba masaya na nanalo sa first set sina G?"


"Hindi pa seryoso sa unang set ang Cloud9 Twisters, ni hindi nga nila pinasok ang main setter, may pinaplano sila." komento ni Jai bago pa ako makapagsalita. "But that second string setter was impressive, they scored a lot on their attacks."


"Agree, on the other hand, errors naman ang dapat bawasan ng Magnum Spikers, it was obvious that they're nervous." iiling-iling namang puna ni Fina. "I couldn't blame them though, hindi talaga birong maglaro with this crowd, I heard almost six thousand tayo dito."


"Six thousand? Wow, record holder pa din pala ang laban natin versus Blue Blitz." proud na saad ni Trix. "Kailan ba tayo magka-come back, Cap?"



Halos sabay-sabay naman silang lumingon sa akin, waiting for my answer. Noong umalis kasi ako noon sa team, sumunod sa akin si G. Nakaisang conference lang ata ang team, then they decided to disband it. Sa ngayon, kasalukuyan silang naglalaro sa pro league maliban kina Ira at Jai na mas piniling maging assistant coach.



"Let's play again, okay? Go back to your first love, Ezra. Balikan mo ang volleyball, not for me, but for yourself." naalala ko na naman ang sinabi ni Quinn.

I glanced at my palm and my heart skipped a beat due to excitement. Why not, right?



"You can play again as Thrill Seekers, willing naman sina Sir Donny na pumasok ulit sa conference." I answered. "Makapagtanong ka diyan akala mo wala kang kontrata." dugtong ko na ikinanguso ni Trix. "Dalhin mo muna sa finals ang Red Ross. Akala ko ba magiging MVP ka this year?"


"Nilayasan kami ng setter namin, Cap. Mas pinili ang love kesa sa volleyball." sumbong nito. "Hindi na ako magre-renew next year, hintayin mo ako Cap ha?"

"That's why I chose to be an assistant coach, mas madaling umalis ng team." wika ni Jai. "Just call me, Cap kapag ready ka na ulit makipaglaban sa loob ng court."


"Last conference ko na 'to Cap, maghihintay na lang din ako sa tawag mo." saad ni Fina. "Sana naman manalo sina G, sayang pagkatalo namin sa kanila kung hindi."

That Volleyball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon