18

168 14 2
                                    


Pababa pa lang ako ng hagdan ay rinig ko na ang boses ni G, as usual sa kitchen na naman ito nakatambay. It's 10 o'clock in the morning kaya hindi na ako nagtataka na wala na sina Mommy.



"Yes naman po, thank you sa pagsuporta sa Magnum Spikers. Grabe din iyong pinagdaanan namin no? Hindi rin talaga namin ineexpect na kami pa iyong magcha-champion. Sobrang lakas din kasi ng Cloud9 Twisters, iba din talaga iyong gigil nila."



Mula sa screen ng phone, nag-angat ng tingin si G. She mouthed Kumu live, I nodded. I'm aware,I received a notification a while ago since I'm following her account.



"Kalma guys, mga ito talaga, may kinausap lang saglit, reveal na kaagad ang gusto. Mga certified Marites naman talaga." iiling-iling na wika nito, saka muling bumaling sa akin. "I heard from the girls, bakit naman sa mukha ka talaga nagpakalmot? Make sure na mawawala scar niyan." Awtomatikong napahawak ako sa kaliwang pisngi ko kung nasaan ang tinutukoy nitong kalmot. "Gosh, meron ka din pala sa mga braso mo. Ano ba talagang nangyari?" maingat nitong hinawakan at pinagmasdan ang dalawang braso ko. Bago sumagot ay tiningnan ko muna ang phone nito. "Naka-mute." nakakaunawang turan ni G.


I shrugged. "Kasabay ng pagsabog ng confetti, bigla na lang may mga sumulpot na fans, hindi kaagad kami nakareact dahil pare-pareho kaming overwhelmed at naka-focus sa pagkapanalo niyo. Hindi naman namin ineexpect na kami iyong dudumugin, mabuti na nga lang mabilis kumilos iyong mga guards ni Mommy."


"Kaya pala bigla na lang kayong nawala, lalapitan ko pa sana kayo. Iba pa din talaga ang karisma ng Thrill Seekers." nakangisi nang tugon nito bago tuluyang binitiwan ang mga braso ko. "Tita prepared your breakfast, kumain ka na." I nodded. "Bilib na talaga ako sa stalking skills niyo, how did you know na bahay ni Attorney 'to?"


Naupo na ako sa harap ni Georgia, dala ang kinuhang pagkain. "You did your third Kumu live at that exact spot, G." pagpapaalala ko dito.


"Oh yeah, I remembered. Kaya pala sabi nila pamilyar iyong background." tugon ni G. "Talas naman ng memorya ng mga 'to."


"Did you eat?" I asked na tinugon lang nito ng tango. "Dessert?"


"Right, may jelly fruit cake nga pala sa ref niyo Ez." excited na anas nito na akmang tatayo na.


"Ako na." turan ko. "Just focus on your fans."


G beamed at muling umayos ng upo. "Luh, hindi ko naman totoong fans mga ito Ez, ikaw talaga habol ng mga ito, mga naghihintay lang ng ayuda." komento ni G. "Tingnan mo, kanina wala pang 5K viewers ko, narinig lang boses mo nasa 45K na. Halata kayo masyado ha. Mainggit talaga kayo, princess treatment from Ezra Elliot Zabel, ako lang ito, guys. " I silently put her food in front of her. "Thanks Attorney."


Sumimangot lang ako, ito na naman siya, nagsimula na lang din akong kumain. "Anyway, what are you doing here? You need to rest."


"Just checking on you, tulog ka pa kanina noong dumating ako kaya pinakain na ako nina Tita." sagot nito. "Anong boses pa lang, ulam na?" natatawang basa ni G. "Oh no, maganda pa rin siya kahit tulog. Iba talaga kapag favorite ni Lord." nakangising komento pa nito. "Hoy, hindi pwede, baka kasuhan tayo nito kapag kinuhanan ko ng picture ng hindi niya alam. Pati ba naman pagtulog, grabe na kabaliwan niyo sa bestfriend ko."

That Volleyball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon