Mula sa pagtakbo ay awtomatikong napahinto ang mga paa ko upon seeing a shop na nagbebenta ng mga souvenir shirts. Is it okay? I contemplated habang palakad-lakad ako sa harap ng shop. Pinaubaya ko na kasi kay G ang pagpili ng mga members ng bawat team. Siya naman ang may pakana ng larong ito, kaya siya ang magdusa. I decided to run as a warm up dahil for sure, kinakalawang na ako. I sighed at lakas-loob na pumasok na ng nasabing shop.
Pagbalik ko sa pwesto nina G, naabutan ko pang tila nagtatalo ang mga ito. Napailing na lang ako at pasimpleng nilapitan si Axeia na abala naman sa pagkuha ng picture ng dagat.
"Here." abot ko dito ng T-shirt na nabili ko, takang tiningnan naman ako nito. "We're going to play and posibleng makalas ang pagkakabuhol niyan." inginuso ko ang suot nitong pangtaas at mabilis na nag-iwas ng tingin. Feeling ko namumula na naman ako!
"O-okay. Thank you." mahinang turan nito bago tanggapin ang shirt at isuot.
Napabuga na lang ako ng hangin at akmang maglalakad palayo ng umepal na naman si G. Kahit kailan talaga!
"Ez niyo, possessive and conservative much!" pang-aasar ni G. "Sana all!"
Sinamaan ko lang ito ng tingin pero tumawa lang ito at lumapit sa amin.
"Team Ez - Gen, Pots, Yssa, Cel and Ry. Team G - Ax, Angel, Jean, Marie, Teresa. Kaye will be the referee. Alice will be the scorer. Any objections?" mabilis na nagtaas ng kamay ang mga kakampi niya. "Subukan niyong lumipat ng team, pahihirapan ko kayo sa practice." banta nito at saka ngumisi ng maagap na nagsibaba agad sila ng mga kamay. Bakit kaya ang babaeng ito ang naging captain?
"One set lang, G." turan ko dito.
"Bitin, Ez." maktol na naman nito. "Hindi pa kami nag-iinit niyan."
"Ayoko lang masyadong mahirapan ang team mo." kibit-balikat kong wika saka lumipat sa kabilang side ng net. "First six pa naman kayo."
"Ez and her pasimpleng trash talk." naaaliw na wika ni G. "Be ready Ez, the loser will be the kitchen duty until Sunday morning."
"Be ready for your duty, then." sagot ko naman saka ngumiti at kumindat sa kanya.
"Patalo na tayo, Georgia, feeling winner na ako sa kindat niya." wika ni Angel. "Ez, what's your favorite food?"
"Sayang, I left my phone. Navideo-han ko sana!" hirit naman ni Jean.
"Ngayon lang ako kinilig sa trash talk." pahayag naman ni Teresa.
"Hindi ko alam kung excited ba ako o kinikilig!" saad naman ni Marie.

BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Teen FictionEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...