5

153 7 0
                                    


It was a hellish week; recits, quizzes and walang katapusang digests. Drained na drained na ako! I checked my phone, wala pang message mula kay Alice kaya hindi ko sigurado kung masusundo ba niya ako. I sighed and decided to wait for a few minutes bago magbook ng taxi pauwi. Ilang ulit pa akong humikab bago tamad na nilingon ang sasakyang kanina pa bumubusina. Ano namang trip ng driver nito, hindi ba niya nakikitang nasa gilid naman ako ng kalsada? It's a white van. Iisipin ko pa nga sanang ito iyong napapabalitang nangingidnap para ibenta ang mga lamang-loob nang biglang bumukas ang pinto nito.



"Attorney!" malawak ang ngiting bati ni Georgia matapos bumaba ng sasakyan. "Ilang linggo lang tayong hindi nagkita, bakit mukha ka ng zombie?" puna pa nito. Right, the last time that I saw her was during their game against Cloud9 Twisters. "Isa kang zombie na attorney!"


"What are you doing here?" I asked, hindi pinansin ang pang-aasar nito, and glanced at my watch. "Alas dyes na ng gabi, bakit pagala-gala ka pa?" kunot-noo ko pang dugtong.


"We're going to have fun, get in!" masiglang turan nito kasabay ng pagbubukas ng pinto ng sasakyan na nasa likod niya. "Come on, get in, Attorney. Susunduin pa natin ang iba."



Hindi ako gumalaw at tinitigan lang ito, pero muli lang akong napahikab. Any minute now, tuluyan na akong makakatulog.



"Where are we going, G? Hatid mo na lang ako sa condo." I asked. "I badly need some sleep, next time mo na lang ako guluhin, okay?"


"Nope, hindi kita sa condo ihahatid." energetic pa ring wika nito. "Sumakay ka na lang kasi Ez, para makatulog ka na. I promise paggising mo, andun na tayo. Holiday naman simula bukas, kaya Saturday o Sunday na tayo babalik. Puro ka naman aral, mag-enjoy ka rin, Attorney!" Wala na akong nagawa ng hilahin ako nito at tuluyang isinakay sa loob ng van. Pinili kong maupo sa dulo, katabi ng bintana. "You can sleep there, akong bahala sa iistorbo sa iyo." Upon hearing that, awtomatikong pumikit ang dalawang mata ko. Nagsasalita pa si G, pero wala na akong masyadong maintindihan. "Kuya, sa Forest Park na ta—"



Pinilit kong dumilat habang hawak ang noong tinamaan ng kung ano, inangat ko rin ang aking ulo mula sa pagkakasandal sa balikat ng katabi ko. I saw blurry images in front of me, may mga naririnig din akong tila nagtatalo.



"I told you Pots, iabot mo, hindi ibato." turan ng katabi ko habang pinupulot ang Doritos. I glanced at her, nilingon din ako nito. "Are you okay, Ez? Masakit ba?" tanong pa nito.


"Pots, I said behave." G reminded. "Alam mong kinidnap ko lang iyan."


"Are you okay, couz?" Alice asked me, nakaupo ito sa unahan ko. "Nagugutom ka ba?"


"S-Sorry Ez, hindi ko sinasadya." saad ni Pots, teammates nina G.


"Kung natulog ka na lang kasi Pots, para ka kasing kiti-kiti." singit ni Gen.


That Volleyball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon