"W-what are you doing here?" mula sa papalayong pigura ni Coach Ran ay nabaling ang tingin ko kay Axeia na nasa harap ko na pala. "I thought you had class."
Sa halip na sumagot ay kinuha ko ang malinis na panyo mula sa suot kong trouser at maingat na pinunasan ang pawisang noo at leeg nito. "One class for today lang po, when I'm on my way home, Coach Ran called." I frowned. "Are you sick? Namumula ka."
She cleared her throat bago maingat na ibinaba ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya. "I-I'm not. It was just—"
Nabaling ang tingin ko sa mga kasamahan niya na nanonood na pala sa amin, halos sabay-sabay din silang nag-iwas ng tingin nang mapansing nasa kanila na ang atensyon ko, maliban kay Addison. Ilang minuto din siguro kaming naglaban ng titigan bago ko naramdaman ang kamay ni Axeia sa palad ko.
"I'm sorry. Hindi ko agad napansin ang mga kasama mo. I'm sorry for making you uncomfortable."
Agarang umiling naman si Axeia. "No need to apologize! You haven't made me uncomfortable at all." she sighed. "I just remembered that you prefer a lowkey and private relationship." mahinang dugtong nito. "--although we're not yet official, I'm just—"
"But it doesn't mean na itatago kita, Axeia. Just tell me if I'm making you uncomfortable, okay?" I said.
Unti-unti naman itong ngumiti at sunod-sunod na tumango habang nakahawak pa rin sa dalawa kong kamay. "So, why are you here?"
"Coach Ran wanted me to be the temporary coach of the opposing team for your tune-up game."
Axeia is part of the National Team na kasalukuyang nagte-training para sa Volleyball Nations League na gaganapin next month sa Brazil, kasama din niya sa team si Addison, Fernandez, Ruiz at ilan pang magagaling na players.
"Unfair. Bakit sa kalabang team ka, dapat kami ang i-coach mo." maktol nito na parang bata pang nakanguso, hindi ko tuloy mapigilang matawa. "Sino ba ang makakalaban namin?" I shrugged na ikinalukot ng mukha nito. "You're being annoying, Elliot."
"Zadie." Kasabay ng tawag na iyon ay ang pagbitiw ni Axeia sa mga kamay ko. "Tinatawag na tayo ni Coach."
"S-Susunod na ako, Addi." But Addison didn't move. "M-mauna na kami, Elliot." Saglit akong lumingon kay Axeia at tipid na ngumiti dito, may pag-aalinlangan man, wala naman itong nagawa kundi tumalikod at yayain na si Addison sa kabilang side ng court.
Sa halip na panoorin sila ay nabaling ang atensyon ko sa mga kamay ko habang paulit-ulit na inaalala ang mabilis na pagbitaw ni Axeia kanina. What was that? I heaved a sigh ng muling maramdaman ang tila pagkurot ng kung ano sa dibdib ko. Nag-ooverthink lang ako, right?
"Attorney!"
![](https://img.wattpad.com/cover/333401917-288-k839055.jpg)
BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Teen FictionEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...