CHAPTER 10

1.2K 42 0
                                    

Stephanie's pov

Tanghali na ako nagising kasi anong oras na ako nakauwi kagabi . Dumaan pa kasi ako sa mall para kumain ng ice cream. Malungkot kasi ako. Mabuti na lang at di nagalit  ang barkada dahil bigla akong umalis kahapon . Naiinis kasi ako . Itong  mata ko walang pakisama . Umiyak daw ba? Mukhang tanga diba?

Tumayo na ako at nag breakfast . Wala ang parents ko ngayon nag bakasyon kasi eh. Iniwan ako=___=. Pero good for them.

Pagtapos kong mag breakfast ay umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Late na kasi ako sa pagpasok sa company . Mabilis lang naman ako natapos mag ayos . Naka simpleng blouse at skirt lang ako habang naka heels. Lumabas na ako at kinuha ang kotse ko . Nag drive na ako papunta sa office. Pag dating ko doon agad akong nag park at pumasok na

"Christie , may meetings ba ako ngayon?" Tanong ko sa Secretary ko habang papasok ako ng office ko

"Ah wala po ms mary, clear po ang schedule niyo for today"- christie

"Okay,nasa office lang ako.pag may nag hanap sa akin. Papuntahin mo na lang dun"

"Yes,ms mary"

Pagpasok ko sa office ko ay agad ako umupo sa swivel chair ko at tumingin sa labas. Iniisip ko pa rin yung nang yari kahapon . Apektado pa rin ba ako? Baka dala lang ng past,maybe?

"Ms mary,may nag hahanap po sa inyo"- christie

"Okay papasukin mo"

Narinig kong may pinapasok si Christie nakatalikod kasi ako eh kaya di ko kita kung sino yun.

"Steph...."

Agad ako napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si ivan pala. Nagulat ako kasi may pasa siya sa labi niya

"Anong nangyari sayo?!"

Hysterical na tanong ko

Ngumiti lang siya sa akin. Yung ngiti na gusto ko ,dati

"Na pa away lang ako. Pero okay lang ako wag ka ng mag alala"- ivan

"Hmp! Baliw ka talaga . Maupo ka nga diyan . Gagamutin Ko yan"

Sumunod naman siya sa sinabi ko . Dumiretso ako sa mini ref sa office ko may yelo dun eh. Nilagay ko yung yelo sa ice bag at pumunta na sa kanya. Umupo ako sa upuan kaharap ng sa kanya at nilapat ang yelo sa may labi niya

"Aray naman!!"- ivan

"Nakipag away ka eh. Mag dusa ka pasalamat ka pa ginamot ko pa "

"Salamat steph. Akala ko di mo na ako papansinin. "- Ivan

"Kahit naman ganon ang nangyari sa atin . May pakealam pa rin ako sayo kahit papaano"

Totoo yun may pakealam pa rin ako para sa kanya. Ewan ko masyadong mabait ba? Eh ganon ako eh

"Sorry kahapon ah? Di ko sinasadya ang nangyari. I didn't know na may epekto pa pala yun sayo. Sorry"- ivan

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon