Chapter 33

655 22 9
                                    


Stephanie's POV

"Baby,wake up."

Nagmulat ako ng mata at napangiti na lang ako nang mukha ni Ivan ang bumungad sakin. Ngumiti lang siya sakin na ginantihan ko din ng isang ngiti.

Dito kasi siya sa kwarto ko natulog kagabi. Kung ang iniisip niyo ay may nangyari, wala. Walang nangyari. Natulog lang kaming magkatabi. That's it.

Marespetong tao si Ivan kaya naman alam kong hindi namin gagawin iyon hanggat hindi kami kinakasal. Hindi ko tuloy maiwasang mamula dahil sa naisip ko. Kasal? Really? Nag isip talaga ako ng ganun ngayong umaga? What's happening to me? Hahaha. Oh love.

"What are you thinking?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Nothing. Just random stuffs. " natatawa kong sagot.

"You're not good at lying,baby. Tell me." He demanded.

"Sige na nga. Ano...kasi naisip ko lang kung kailan tayo ikakasal." Nahihiya kong sabi habang pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa kamay.

Natawa naman siya sa sinabi ko bago niya ako hinalikan sa noo. Napakalakas talaga mang asar nitong lalaking ito. Nahihiya na nga ako eh.

"Stop laughing!" Naiinis kong sabi.

Tumigil naman siya sa pagtawa niya at napalitan na lang ito ng isang malapad na ngiti.

"Soon. Masyado ka namang nagmamadaling maging Mrs. Rodriguez. " asar niya sakin.

"Soon?" Nagtataka kong tanong but he just kissed me on the forehead again.

"Soon." He said smiling.

Halos mapunit na ang mukha ko dahil lang sa sinabi niyang iyon. Gosh! Gusto ko mang itanggi pero hindi ko mapigilang maging excited. I can't see myself getting married to another man other than Ivan. Masasabi kong sa mga oras na ito ay handa na ako. Tutal naman doon din naman ang magiging ending nito.

Marriage.

"Baby,are you alright? Nakatulala ka na dyan. Don't tell me kinikilig ka pa rin." Sabi niya sabay tawa. Panira!

"Hmp! Tigilan mo na nga ang pang aasar mo sakin. Nakakainis ka!" Sabi ko.

"Okay. Okay. Titigil na po ako." Nakangiting sabi niya sabay halik muli sa aking noo.

"Ivan?" Pagtawag ko sa atensyon niya.

"Yes,baby?"

"I love you." Malambing kong sabi saka hinalikan ang tungki ng ilong niya.

"I love you more." Sagot naman niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit habang ang mukha ko ay nakasubsob sa kanyang dibdib. I inhaled his natural scent. Ang bango bango naman nitong lalaking ito.

"Bakit ang sweet mo yata sakin ngayon? May kasalanan ka noh?" Natatawang sabi niya.

"Gusto lang kitang lambingin." I said in a low sweet voice.

"Sweet naman ng girlfriend ko." Simpleng tugon niya.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon