Chapter 42

253 10 1
                                    

Steph's POV

"Ang sakit ng ulo ko. Argh!"

Napasapo ako sa ulo ko nang subukan kong umupo. Napilitan akong gumising dahil sa liwanag na kanina pa tumatama sa mukha ko. Naglasing pala ako kagabi kaya ganito ako ngayon. Ano bang nangyari kagabi?

"Good morning,Miss."

Nilingon ko agad si Christie na kakapasok lamang ng kwarto. May dala dala siyang isang tasang kape sa kaliwang kamay niya. Iniabot niya muna ito sakin bago naupo sa tabi ko.

"Good morning din. Salamat sa coffee." Sabi ko ng nakangiti.

"You're welcome. Alam ko kasi na sasakit ang ulo mo dahil sa nangyari kagabi." Kwento niya.


"About last night, what happened to me?" Tanong ko naman.


"Hindi niyo na natatandaan? Sabagay kasi sobrang lasing ka. Ganito kasi iyon,ah, nagwala ka sa bar nung naabutan ka namin ni Sir Ivan. Siya nga yung bumuhat sayo pabalik dito sa kwarto." Sabi pa niya.

Si Ivan ang umasikaso sakin kagabi?

"I see. Nasaan na pala siya ngayon?"

"Wala na si Sir Ivan sa resort. Ang sabi nung isang staff niya pero pinagbilinan siya na asikasuhin daw tayo hanggang sa makaalis tayo dito."

Oo nga pala, huling araw na namin dito. Babalik na kami sa Manila mamaya. Nginitian ko lang si Christie bilang sagot. Inabot ko ang kapeng dala niya at inumpisahan itong inumin. Hindi ko tuloy maiwasang mag alala sa nangyari kagabi. May hindi ako magandang pakiramdam eh. May nagawa kaya ako kay Ivan kagabi?



Ivan's POV

"So how's your vacation with her?" Bungad ni Kyle sakin nang makapasok ako sa bar na sinabi niya.


Naupo ako sa tabi niys at umorder ng isang basong whiskey. Patuloy lang ako sa paglagok ng alak hanggang sa makatatlong baso na ako. Kakauwi ko lang galing ng resort at dumiretso agad ako dito.

"Sa inom mo na yan mukhang hindi maganda ang nangyari dun ah." Sabj niya sabay inom din.

"Gago pa rin pala talaga ako........" sabi ko sabay inom ulit.

"Buti naman alam mo yan,Dude."


Napailing na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Sean. Tinapik niya ang balikat ko bago naupo sa tabi ko at naki inom na din.

"Paano mo naman nalaman na nandito ako,huh?"

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon