Chapter 20

847 42 1
                                    

Stephanie's Pov

"Hoy,Ivan. Wag kang lalapit sakin . Isa!"

"Hahaha you can't stop me.."

Papalapit na siya kaya napilitan na akong tumakbo. Bakit kamo? Kasi kanina naglalakad kami dito nga sa may beach tapos itong si Ivan biglang namasa kaya eto tinatakbuhan ko siya.

"Steph, tara na. Malamig kaya ang tubig dito. " sabi niya.

"Ayoko bahala ka sa buhay mo!" Ayoko ngang maligo sa dagat. Isa pa, wala din akong extra na damit kaya mahirap maligo sa dagat ngayon.

"Kill joy mo. Bahala ka. Ikaw rin" sabi niya tsaka pumunta sa may dagat at nagtampisaw siya doon. Parang bata eh.

Bahala siya dyan basta ako dito lang ako. Lumapit na ako ng konti sa mga dagat naliligo naman na si Ivan kaya hindi niya na ako mababasa.

Nakakainggit naman siya panoorin. Wala kasi akong dalang damit eh. Sayang naman.

"Steph, tara na kasi.." yaya ni Ivan.

"Ayoko nga kasi. Wala akong dalang ----"

Natigilan ako sa pagsasalita ng bigla niya akong buhatin. Jusko papalapit na kami sa dagat!

"Ivan,bitawan mo nga ako!"

"Haha. Wag ka ngang malikot,Steph. Masaya kaya sa dagat"

Sasagot pa sana ako kaso bigla na lang niya akong ibinagsak sa may dagat. Ang lamig ng tubig!!!

"Nakakainis ka, Ivan! Ang lamig ng tubig" inis na sabi ko saka pinilit na tumayo.

Itong Ivan na ito, binasa na nga ako tawa pa siya ng tawa. Tss.

"Ang epic ng mukha mo, Steph. Hahaha. "

"Ang ganun huh?"

Lumapit ako sa kanya saka siya pinagbabasa ng tubig dagat kahit na alam kong basa naman na siya at wala ng sense ko babasain ko pa siya.

Gumanti siya kaya ang ending namin nag babasaan lang kami ng tubig dito.

"Hahahhaa. Ayoko na nga! Awat na! Malapit ng nag sunset oh! Tara tingnan natin"
Hinila ako ni Ivan dun sa may beach saka naupo dun.

Mukhang malapit na nga ang sunset. Napansin ko na hindi lang pala kami ni Ivan ang nandito marami din ang may gustong manuod ng sunset.

"It's so beautiful " amazed na sabi ko habang pinagmamasdan ang sunset. Napakaganda nito. ^_^

"Oo nga. Ang ganda" sabi naman ni ivan . Tumingin ako sa kanya at nahuli ko na sakin siya nakatingin at hindi naman sa sunset kaya hinampas ko siya sa balikat na ikinatawa lang niya.

"Ivan, balik na tayo sa hotel. Nilalamig na ako eh" sabi ko kay ivan pagkatayo ko .

"Ganun ba? Sige. Halika na" tumayo na siya bago nagpagpag at naglakad na kami papunta sa may kotse.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon