Chapter 35

270 11 3
                                    



Steph's POV



"Keep the change." Walang gana kong sabi sabay baba ng taxi.

                           Sinunod naman niya ako dahil sa isang park nga niya ako dinala. Naghanap ako ng mauupuan at sakto namang may nakita akong bench malapit sa may malaking puno kaya naman doon ako naupo. Inilapag ko ang hand bag ko sa aking tabi. Tamad na sumandal at bumuntong hininga.


Ano na naman ba ito destiny?



Hindi ka man lang ba naawa sakin?



                      Five years ago, nagpakalayo layo ako sa Pilipinas kasi gusto kong makalimot sa lahat ng sakit. Napadpad ako sa America.Doon ako nagkolehiyo at nagstart magmanage ng kompanya namin. Sa unang taon ko doon ay hindi man lang ako nakaramdam ng saya. Bukod kasi sa naninibago ako sa lugar at mga tao, dala dala ko pa din yung sakit na naranasan ko. Sobrang depressed ako noong mga panahon na iyon. I would go out in the middle of the night just to scream my lungs out somewhere far from my house. Naging routine ko iyon ng mahigit sa isang taon. 

                       Aaminin ko na hindi naging madali sakin lahat. First boyfriend ko kasi si Ivan tapos ganun pa ang nangyari samin. Sobrang dinibdib ko lahat ng nangyari hanggang sa masira ako ng galit at sakit. Naramdaman ko ang mga pagbabago sakin sa halos lahat ng aspekto hanggang sa dumating ang araw na naranasan ko ulit maging masaya at doon ko na nakilala ang kaibigan kong si Kyle. He's so annoying to the point that he was able to help recover fast from my heartbreak. Swerte ko kasi nakilala ko siya. Okay na ako eh. Masaya at maayos na lahat. Little did i know, babalik pala ako sa Pilipinas. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Lagi kong sinasabi na kaya ko na humarap sa kanila muli kasi maayos na ako. Sobrang tapang ko pa noon.

                       Kaso wala eh. Pag si destiny talaga ang gumawa ng paraan ay wala ka na talagang magagawa. Nagkita ulit kami ni Ivan. Nailang ako noong una kasi hanggat maari sana ayoko siyang makita ulit. I mean, after what happened? Tanga na lang siguro ang matutuwa sa sitwasyon na iyon. And believe me when i tell you na ginawa ko lahat para makaiwas sa kanya. But after all the hiding and running, doon din pala ang ending. Natakot ako nung mga sandaling nagkakalapit ulit kami ni Ivan kasi ayoko na ulit masaktan at ayoko na rin maalala ang dahilan kung bakit parang naging bato ang puso ko.

                      Pero sa huli ay kinain ko din lahat ng sinabi ko nang magkasama ulit kaming dalawa. Habang tinitingnan ko siya ay parang naaalala ko ulit lahat ng dahilan kung bakit minahal ko siya ng sobra sobra noon. Hindi ko alam ang mga nangyari. Pakiramdam ko nga ay nawala ako panandalian sa aking saril kasi habang tumatagal ay bumabalik ang pagmamahal na hindi ko inaasahang babalik pa. Natawa na lang tuloy ako sa sarili ko. Nawala nga ba talaga ang pagmamahal ko sa kanya? O yun lang talaga ang pinaniwalaan ko nitong mga nakaraang taon? Hindi ko na alam.


"You'll get through this, Steph. Nangyari naman na ito dati." Walang gana kong sabi sabay pakawala ng isang malalim na hininga.

                  Kinuha ko ang bag ko at saka naglakad papunta sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Bahala na kung anong mangyari sakin.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon