Chapter 24

767 30 1
                                    

[Chapter 23 continuation]

Ivan's Pov.

"Patapos na ako dito. Gisingin mo na si Steph, Ivan." Sabi sakin ni yaya.

"Ah okay po." Sagot ko kay yaya. Umakyat na ako papunta sa kwarto ni Steph. Alam ko wala naman dito ang parents niya kaya okay lang na nandito ako. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto ng kwarto ni Steph.

"Steph?" Sinubukan kong tawagin siya pero walang sumasagot kaya pumasok na ako. Naabutan ko naman siya na mahimbing na natutulog tapos yakap niya yung teddy bear regalo ko nung 22nd birthday niya. Naupo ako sa gilid ng kama kung saan siya nakaharap. Naalala ko pa yung gabi na yun....

Flashback.....

Kinakabahan akong pumasok sa venue ng birthday ni Steph. Pagpasok ko napansin ko na marami na palang tao dito. Halos lahat sila naka maskara kaya hindi ko na sila makilala. Ang ganda ng lugar, may red carpet, may mga balloons sa taas parang mukhang ulap . Paglingon ko napansin ko na nandito na pala sina Vanessa. Syempre hindi pwedeng mawala ang barkada . Hindi sila nakamaskara kaya napansin ko kaagad sila. Nandito din pala yung lalaking pinag awayan namin ni Steph dati, Kyle yata pangalan nun.

Umupo ako sa may table na malapit na sa stage para di masyadong matao saka para malapit sa may table nila Steph.

Sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kung sakaling makita ko ulit si Steph. Nagbago na kaya itsura niya? Siguro mas gumanda siya. Hindi ko na kasi siya ulit nakita simula nung pumunta ako sa New York , two years ago. Hay.

"Ladies and gentlemen, i would like to announce the arrival of the birthday celebrant. Please welcome, Ms Stephanie Mary Santos, the heiress of the Santos Group of Companies. " sabi ng emcee.

Bigla akong napatingin sa pinto na bumukas. Si Steph..
Napakaganda niya ngayon, mas lalo siyang gumanda. Habang naglalakad siya hindi mo talaga maiiwasang mapatingin sa kanya. Medyo nakakainis nga kasi ang daming nakatingin sa kanya. Kita kasi ang legs niya. Tss.

Ilang minuto pa ay nakaupo na rin siya. Tumayo ang daddy niya para magbigay ng announcement / speech.

"First of all, i would like to thank you all for coming to my daughter's birthday. Masaya ako dahil hindi na cancel ang birthday na ito. Kasi ang anak ko ayaw sa mga ganitong sabihin na nating mga kaartehan. Pero buti na lang at nakumbinsi ko siya na ituloy ang selebrasyon na ito. As you all know, this is a double celebration, first because of my daughter's birthday at ito rin ang araw na kung saan pormal kong ipinapasa sa kanya ang pamamahala ng kumpanya namin. As i retire, my daughter Stephanie will be the next CEO of SGC. Let's all give her a round of applause!" Sabi ng daddy ni Steph.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon