Chapter 36

242 9 1
                                    

2 weeks later........

Steph's POV

"Yes, I need that report first thing in the morning."

"Yes,Miss."

            Nang sumara ang pintuan ay nag umpisa na ulit akong gumawa ng mga bagay bagay. Our company's getting bigger that is why I needed to finish some tasks as soon as possible. No buts. No what ifs.

            "Miss,may nagpadeliver po nito." Sabi ni Christie sabay pasok sa opisina ko.

"Just leave it here." I said after tapping the space on top of my table.

"Do you need anything,Miss?"
She asked politely.

"Wala naman. You may go now."

          Hindi ko na tuloy siya nagawang lingunin sdahil nakatutok ako sa laptop ko.

          Dalawang buwan na din ang nakalipas matapos akong makabalik sa Pilipinas galing Londo. Yes,naging maayos ang branch namin doon pero sabi nga nila hindi puro saya ang buhay, meron din itong kaakibat na sakit o lungkot.

          After what happened, naging magulo na ang lahat. Yung mga kaibigan ko ay nagsimula ng magkahiwalay. Hindi na ako nagkaroon ng balita kay Vanessa simula nung umalis siya para sa isang business trip sa Japan at mahigit dalawang linggo na siya doon. Si Paul naman, ayun masyadong naging subsob sa trabaho after breaking up with Vanessa. Si Niccolo at Trixie, okay naman sila. Hindi ko na rin sila madalas makasama kasi malapit na silang ikasal. Yeah, they're now engaged and their wedding will happen next month. Excited yata sila magpakasal eh. And as for Kyl, he's fine as well pero medyo mailap siya sakin and I don't know the reason why.

Ako?

           Ayos lang naman ako. What happened to me two months ago is not a new thing for me, I might say. Sinimulan ko ulit ang pagbubuo sa sistema ko na wala na si Ivan sa tabi ko. Natatawa na lang talaga ako sa katangahan ko kapag naaalala ko ito. Having fooled by the same guy twice? Yeah. Sana lang talaga iyon na ang huli.

"Miss?"

"Come in. Anong sasabihin mo sakin?"  Tanong ko nang makapasok siya sa loob ng opisina ko.

"Ah Miss, remind ko lang po kayo tungkol sa 1pm meeting niyo po with the investors sa conference room po."

Marahan lang akong tumango.
"Sige, salamat."

●●●●●●●●●●

"As you can see in this graph, our company tends to be the most successful one this year after our launch in London two months ago."

             Habang may nagsasalita sa harapan ay tahimik lang akong nakikinig. Hindi ko maiwasang lingunin ang mga tao sa paligid ko. Agad na napakunot ang aking noo nang makita kong may kulang. Where is he? Dapat nandito siya ngayon ah. Teka nga! Bakit ba nag aalala ako kung wala siya? Tsk!

"I'm sorry I'm late."

           Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Ivan. Hindi ko inaasahang magkakatinginan kami kaya umiwas agad ako. Isinara niya na ang sliding door at saka naghanap ng mauupuan. Kung minamalas ka nga naman oh. The only unoccupied seat here is on my left side. Hindi ko na lang ito pinansin at itinuon ko na ang atensyon ko sa presentation. Sa peripheral view ko ay nakita kong naupo na siya.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon