Chapter 41

288 8 1
                                    

Steph's POV

Maaga akong gumising ngayon kasi marami daw activities na mangyayari, courtesy of Ivan. Hindi ko alam kung ano yung mga gagawin namin pero excited ako. Not because of Ivan, excited ako kasi makakasama ko ang mga employees ko. I think it will be fun.

Nagsuot lang ako ng isang black na croptop at beach shorts para komportable akong makakagalaw kung may matindi mang mangyayari sa activities namin. Pagtapos naming magbihis ni Christie ay lumabas na kami ng kwarto at dumiretso sa parte ng resort malapit sa tubig. Pagdating namin doon ay nandoon na din pala yung iba.

"Oh, there they are!" Masiglang sabi ni Ivan nang matanaw niya kami ni Christie.

Nagtinginan lahat sila samin kaya ngumiti na lang ako. Nagtungo na kami papalapit sa kanila. Nag umpisa na kaya ang activities? Hindi pa naman siguro.

"Good morning,Steph." Sabi sakin ni Ivan nang tumabi siya sakin.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Not really in the mood to talk to him right now. Nagsimula na kami sa activities namin.

"First game, tag of war!" Sabi nung babaeng naghohost ng activities.

Hinati nila kami sa dalawang grupo. Nasa kabilang grupo si Christie habang si Ivan naman ang naging kagrupo ko. Siya yung pumwesto sa harapan ng line namin at ako naman ang kasunod niya. Hinawakan na namin yung lubid at pagtapos magbilang ng host ay nagsimula na kami.

Lahat ng mga kasali ay kitang kita na ginagawa ang lahat ng makakaya nila para humila at makatulong. I did the same for my team to win. Aaminin ko na mahirap humila pero pinipilit ko pa din ang best ko. We have to win this.

Matagal kami sa game na iyon at talagang walang gustong sumuko hanggang sa lumalakas ang pwersa ng kabilang grupo. Akala ko mananalo kami pero bigla nilang hinila ang lubid at nadausdos ang grupo namin.

"Red team wins!" Anunsyo ng host.

Masaya ako para sa kanila ngunit pag tingin ko sa tuhod ko na nasugatan dahil sa nangyari kanina. May konting dugo ito at medyo nahiwa. Ang dumi na din ng binti ko dahil sa buhangin.

"Si Miss Mary nasugatan!"

Nang marinig ng lahat ay agad nila akong nilapitan. Si Ivan halos madapa sa pagmamadaling makalapit sakin. Lumuhod siya sa harapan ko at sinipat ang sugat ko.

"Are you alright?" Nag aalalang tanong niya.

"I'm fine. It's just a scratch." Sabi ko naman.

May nag abot kay Ivan ng first aid kit at agad niya itong binuksan. Habang naghahanap siya ng gagamitin niya ay naramdaman kong tumabi sakin si Christie. She looks worried so I smiled at her. Pagbalik ng tingin ko kay Ivan ay halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa hawak niyang alcohol. No,not that one!

"Ivan, ayoko sa alcohol. Masakit yan eh!"

Pinigilan ko siya kasi malapit na niyang ibuhos yun sa sugat ko. Mahapdi kasi yun eh. 

"Steph, I need to clean your wound for it not to get infected. I will be gentle with this. I promise."

Ayoko talaga nun eh!

"Iba na lang kaya gamitin mo?" Sabi ko.

Napailing na lang siya sa sinabi ko. Ibinaba niya yung alcohol at kinuha yung betadine. Mas okay na yun ang gamitin niya kaysa sa alcohol. Hindi masyadong mahapdi yun. Naglagay siya ng konti nung likido sa hawak niyang bulak.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon