Chapter 15

1.2K 42 6
                                    

Stephanie's Pov

Maaga akong gumising ngayon dahil marami kaming pupuntahan ng barkada. Nakakatawa nga eh ilang beses na ako nakapunta sa tagaytay pero parang unang pagkakataon pa rin ito.

Bumaba na ako at naghanda ng breakfast para sa kanila . Madaya nga sila eh. Silang ang matagal na nawala kaya dapat sila ang bumawi sakin -3- . Yaan na nga. Kumuha ako ng eggs,bacons, loaf bread at juice na rin. Nakakahiya kasi doon sa mga yayamanin kong barkada -_____- . Wew. Ako talaga ang nahiya para sa kanila.

Habang nagluluto ako ay nagbukas na rin ako ng radyo mahirap na baka antukin ako habang nagluluto hahaha. Pag turn on ko ng radyo ay bumalik na ako sa pagluluto. Ilalagay ko na sana sa frying pan yung itlog ng biglang....

[Play the video on the multimedia;) ]

Natulala ako ng marinig ko ang kanta na iyon. Yun yung kanta nung prom... habang nagsasayaw.... kami ni...Ivan.

Sa sobrang pagkalutang ko ay nailagay ko ng biglaan yung itlog at tumalsik sa kamay ko yung mantika.

"Aray!!!!" Sigaw ko. Sobrang sakit nung paso.

"Mary? Anong nangyari sayo?!" Gising na pala si kyle. Tumakbo siya papunta sakin.

"A-ayos lang naman ako,kyle. Di naman masyadong masakit eh" sabi ko.

"Aish. Saglit lang wag kang aalis kukuha lang ako ng panghugas niyan"

Umalis muna si kyle at paglipas ng ilang saglit ay bumalik na siya. May dala siyang lalagyan na may malamig na tubig. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay dun sa tubig.

"Ok naman na ako,kyle. " sabi ko.

"Oo na po. Haha pero ako na magluluto . Baka mapano ka pa ulit" natatawang sabi niya.

Nilagyan na lang niya ng band aid yung daliri ko. Pagkatapos ay pinaupo na lang niya ako at tumalikod na siya para magluto.

"Woah. Sabi ko na eh may nagluluto . Nagising tuloy ako"

Tss. Si nicco lang pala . Kasama niya na sila paul. Mukha pang mga bagong gising eh. Naupo na sila sa mesa habang nag hahain naman ako. O diba ?ayaw talaga akong tulungan -_____-

"Ako na steph maupo ka na" sabi ni paul.

"Salamat,bess"

Ngumiti lang siya sakin at kinuha ang mga plato na dala ko. Naupo ako dun sa upuan katabi ng kay kyle.
Pagkatapos magluto ni kyle at naupo na rin siya at sabay sabay kaming kumain.

"Guys, saan tayo una?" Tanong ko.

Nasa may beach na kami . Naglalakad lakad habang naghahanap ng gagawin.

"Ahm alam ko na doon tayo guys" sabi ni Vanessa.

Pumunta siya doon sa may shop na may mga display ng mga shirts at kung ano ano pa. Wala naman kaming magawa kundi sumunod na lang.

"Waaa ang ganda ng mga designs dito . " sabi ni Vanessa.

Tahimik lang sina paul at nicco. Teka nga parang familiar itong shop na ito ah. Wait nga. .

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon