Chapter 25

1K 33 8
                                    

Stephanie's Pov.

Its Saturday and i don't have any plans on going to the office. Pahinga muna ako since ilang araw na rin akong subsob sa trabaho . Tumawag sakin kanina si Christie, pina check ko kasi ang schedule ko at sabi niya my schedule is clear today so I'm going to rest here for a while. Bakit kaya hindi pa umuuwi sina dad? Sobrang tagal na nilang wala dito. I kinda miss them already.

I was about to sleep when i heard a knock on my door. Its not locked anyway so i just tell whoever it is to open the door.

"How's my princess?"

"Dad? Mom?" Nagulat ako dahil nasa harapan ko na sina mommy ngayon. They're back!
Mabilis akong tumayo at niyakap silang dalawa. I missed them so much.

"I missed you,mom,dad. I'm glad you're back." Sabi ko.

"We missed you too, sweetie. " nakangiting sabi ni mom.

"I'm sorry kung natagalan kami. Naisipan na rin kasi namin ng mommy mo na magbakasyon doon eh." Sabi naman ni dad.

"Okay lang po. " sabi ko.

"Well, what can we do para makabawi kami sayo. Anything." Sabi ni daddy.

"Is it okay if we're going to watch movies? I'd love to watch movies with you." Excited na sabi ko.

"Okay. Magbibihis lang kami ng mommy mo then we're going to the mall." Sabi ni dad.

"No, dad. Dito na lang po tayo manood ng movies please." Sabi ko.

Nagpalitan ng tingin sina mom saka ngumiti sakin.
"Okay, we're going to watch movies here." Sabi ni mom.

"Yes! Thank you. Go on change your clothes. Magpapahanda ako ng snacks saka isasalang ko na po ang DVD." Excited na sabi ko.

Lumabas na sina mommy sa kwarto ko habang ako namab pinahanda ko na ang popcorn at chips na kakainin namin. Pagpasok ko ulit sa kwarto ko ay namili na ako ng mga movies na papanoorin namin. Sunod naman na dumating yung mga snacks. Inilapag ko muna sa may side table ko yung mga snacks kasi wala pa naman sina mommy at daddy.

"Anak, nakapili ka na ba ng movie?" Tanong ni dad nang makapasok na sila sa kwarto ko. I simply nodded then smile at them. Dumapa ako sa gitna ng kama at nasa magkabilang side sina mommy at daddy. This is so awesome, watching movies with your parents ...

Nag-umpisa na ang movie . Nakakatawa ang pinili ko tapos mamaya naman horror mehehe...

"Is this your favorite movie,princess?" Tanong ni mommy.

"Yes,mom. You'll enjoy this movie. " i said then smiled at them.

The movie started.  Hindi ko alam kung matatawa sina mommy sa movie na pinili ko pero nakahinga naman ako ng maluwag nang natawa sila. Habang nanonood kami ay kinakain na namin ang mga snacks na pinahanda ko. This is so surreal. Tumingin ako kay dad sunod naman kay mom, hindi ko akalain na pwede pa palang mangyari ito. Dati rati laging busy sina mommy kasi nag aasikaso sila sa company namin pero ngayon kasama ko lang silang nanonood ng movie. Hindi ko maiwasang maiyak. All my life I've waited for this to happen. All i want is my parents and nothing more. I don't need wealth, designer clothes, expensive cars or a big house just my parents.




Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon