Chapter 29

617 24 1
                                    

Paul's Pov

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Vanessa. Sa mga nakaraang araw ay halos di ko na siya makasama pati nga ang barkada ay bihira na rin siyang makasama.

Ilang araw na ang lumipas simula ng huling kaming nagkasagutan sa restaurant at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakausap. I tried calling her but she's always ignoring it. I've been texting her for a million times already but she didn't give me even a single reply.

Is it because of Ivan?

Naalala ko noong nasa restaurant kami si Ivan ang dahilan kung bakit kami nag away. Bakit ba niya kasi pinagtatanggol yun?

Mali mang pagdudahan si Vanessa pero kailangan kong malaman kung bakit siya nagkakaganyan. I have to do something.

Vanessa's Pov.

From Babe:

   Are you still mad at me? Let's talk please? I love you,babe. I'll be waiting for you.

Sent 6:45 p.m.

Hindi ko mapigilang makonsensya dahil alam kong nagsisinungaling ako kay Paul. Wala naman akong masamang intensyon eh. I just wanted to help Ivan. Gusto kong magkabalikan sila ni Stephanie. I just want him to be happy again.

Nagtatampo lang naman ako sa kanya at wala akong balak na patagalin pa ang away namin pero kasi dala na rin ng konsensya kaya iniiwasan ko muna siya.

Guilt, yan lang ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko niloloko si Paul. Ayoko namang kasibg malaman niya dahil tiyak magagalit siya. Si Ivan naman kasi ayaw pa sabihin ang totoo. He's making it hard for everyone especially for Steph.

I just shrugged my shoulders. Nagtungo ako sa may mini office ko sa bahay namin at saka binuksan ang laptop ko. Nothing much is happening to my business for now. Everything's going according to my plan.

I messaged Ivan a while ago and i told him that he should start working his ass off. A bit harsh,i know. Napakaduwag naman kasi niya. His reason is that he's afraid that Stephanie will be hurt if she knew about what her dad have done. Is he stupid or something? Ano sa tingin niya ang nararamdaman ni Stephanie ngayon? Argh! Boys and their stupid reasons.

Tumayo na ulit ako saka naglakad papunta sa kwarto ko. Pagpasok ko roon ay saktong nag beep ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ito at pangalan ni Paul ang bumungad sakin. I rejected his call.

I'm sorry,babe.

Stephanie's Pov.

Hindi ko maiwasang mapanguso ng makita ko ang oras. Its almost 10 p.m. pero nasa office pa din ako. Hay.

Kailangan ko na kasing i check kung ano na ang lagay ng ipanapatayong branch namin sa London.

I checked the email that Christie sent me this afternoon. Pictures siya ng mall. It looks luxurious. Napakaganda ng pagkakagawa rito. I can't wait to see it in person.

Kailangan gumawa na ako ng mga invitations at saka mga ads para malaman ng mga tao ang tungkol sa mall na bubuksan namin.

"Miss,hindi ka pa ba uuwi?"

Nilingon ko si Christie na kasalukuyang nakadungaw sa pinto ng opisina ko. Ngumiti ako sa kanya at sinenyasan ko siya na pumasok. Nag alangan pa siya pero ilang minuto din ay pumasok na din siya.

"Gusto ko ng umuwi,Christie. Huhuhu ang dami ko pang gagawin eh. Ikaw?" Tanong ko habang nakapout.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon