Chapter 43

275 10 2
                                    

Steph's POV

Ilang araw na rin pala simula ng makauwi ako galing sa bakasyon. Nagiging okay naman lahat. Sa totoo lang, masyadong naging tahimik ang buhay ko. I haven't heard anything from Ivan nor Kyle. Hindi ko alam kung bakit pero nag aalala tuloy ako.

Kasalukuyan kong ngayong inaayos ang makeup ko. Ngayong araw na ang kasal nina Trixie at Nicco, ako kasi ang napili nilang maid of honor. Masaya ako ngayon hindi lang dahil sa kasal pati na rin sa idea na magkakasama ulit kami ng barkada namin. I'm so excited to see them again.

Nang makuntento na ako sa itsura ko ay sinuot ko na ang heels ko at naglakad na palabas ng hotel room ko. Nasa hotel kasi na ito lahat ng bisita para sa kasal. Malapit na din kasi dito ang simbahan kaya ito ang napili nila. Pagdating ko sa lobby ay naabutan ko si Christie na naghihintay. She looks beautiful with her baby pink gown.

"Sorry kung matagal ako." Bungad ko nang makalapit ako sa kanya.

"Okay lang,Miss. Nandito na pala yung kotse mo." She said smiling.

Ngumiti na lang din ako saka kami sabay na lumabas at sumakay sa kotse. Ako na lang ang nagmaneho para samin. Hindi naman masyadong malayo ang simbahan sa hotel kaya hindi kami mahihirapan sa biyahe.

"Ah Miss? Nakita ko pala si Sir Kyle nung hinihintay kita, kasama si Sir Ivan at isa pang lalaki." Kwento ni Christie na ikinagulat ko naman.

Si Kyle at Ivan? Magkasama? Imposible naman yun. They obviously hate each other!

"You sure?" Paninigurado ko.

"Yes, nakita ko talaga sila kanina. Nagulat nga din ako eh,mukhang nagkaayos na yata sila." Sabi pa niya.

Hindi na ako nakasagot kay Christie dahil kahit ako din ay nagulat sa narinig ko. On the other hand, masaya akong nagkaayos na sila para wala ng gulo.

It took us a couple of minutes to get to the church. Hindi naman kasi siya masyadong malayo. Nauna ng bumaba si Christie at saka pumasok sa loob habang ako naman ay nagpaparada ng kotse ko. Nang matapos ako ay may staff na lumapit sakin para i assist ako.

"Stephanie,I'm glad to see you!" Bati sakin ni Trixie pagpasok ko sa loob ng bridal car.

"Likewise. You look so beautiful! I'm sure mapapanganga si Nicco kapag nakita ka niya mamaya." I giggled.

"Sana nga. Sobrang excited na ako,Steph. Finally, matutupad na namin yung pangarap naming dalawa."

Masaya akong makita ang mga kinang sa mata ni Trixie habang nagkekwento siya. Ah, the magic of love.

"Mag uumpisa na po ang kasal,Ma'am." Paalala nung organizer kay Trixie.

"Paano ba yan? I'll go ahead,Trixie. See you later." Nakangiti kong sabi.

"Sige, kita na lang ulit tayo mamaya."

Ngumiti muna ako kay Trixie bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Inayod na ng organizer ang posisyon namin para makapag umpisa na ang kasal. Inabot na din sakin ang bouquet na para sakin. Pagtapos ng ilang saglit ay nagsimula na ang kasal. This is it!

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon