Chapter 38

255 7 0
                                    

Steph's POV

        Tahimik lang akong nakatulala sa laptop ko. Pakiramdam ko tuloy ang lutang ko ngayon. Bukas na kasi yung company outing kaya minamadali ko na lahat ng mga papeles na aasikasuhin ko.

Don't get me wrong,I'm excited for tomorrow. Siguro kailangan ko na lang magseryoso dito sa ginagawa ko para matapos na ako agad.

"Miss, can I come in?"

"Yeah,sure. Pasok ka,Christie."

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Christie. She wears her genuine smile as always. Naupo siya sa upuan sa may harapan ko bago nagsalita.

"Miss, tingin ko po kailangan niyo ng umuwi. Gabi na at saka maaga po ang flight natin bukas." Paalala niya.

"Oo nga eh. I'm okay malapit naman na matapos ito eh. You go home now. Kita na lang tayo bukas." I said smiling.

"Sige po,Miss. By the way, nasa baba po ulit si Sir Kyle."

Tumigil ako sandali sa ginagawa ko at tumingin ng diretso sa kanya. Here we go again.

"You okay,Christie? Hindi ko talaga alam kung bakit ganyan siya sakin nitong mga nakaraang araw eh. I'm sorry."

"No worries,Miss. Nauunawaan ko naman po. Mauna na po ako. Kita na lang po tayo bukas." Sabi niya.

Hindi ko maiwasang pansinin ang ngiti niya. Halata ko namang hindi siya okay eh. Ang weird kasi naman ni Kyle eh.

"Mag ingat ka,Christie. See you tomorrow." Sabi ko tapos kumaway ako sa kanya.

Ngumiti lang siya ulit sakin bago tuluyang lumabas ng opisina ko. I let out a deep sigh. I really need to talk to Kyle about this. Tingin ko bagay talaga sila ni Christie eh.

Tinapos ko na agad ang mga gawain ko bago ako bumaba. Sigurado kasi akong matatagalan ang bakasyon namin doon kaya heto.

"So,how's my personal driver?" Bungad ko kay Kyle nang makalapit ako sa kanya.

"Driver your face,Mary. Napadaan lang ako. Don't flatter yourself too much." Natatawang sabi niya.

"Libre mo naman ako ng dinner,Kyle. Gutom na ako eh. Please?" Nakapout kong sabi.

"Kahit kailan ka talaga. Let's go." Sabi niya at inalalayan ako palabas.

Nanalo ako!

Kyle's POV

Dinala ko si Mary sa isang cafe malapit sa opisina niya. Nagreklamo kasi siya na nagugutom na daw siya. Hindi ko naman matanggihan. I have to fulfill my duties as her friend and as Ivan's eyes and ears.

Nang makapasok kami sa loob ng cafe ay tinext ko agad si Ivan na nandito kami ngayon.

To be honest, hindi ako inubliga ni Ivan na gawin ito  pero yun naman ang tama. Tinanggal ko ang karapatan niya kay Mary nung araw na sinira ko sila. I will do everything to see Mary happy again.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon