Chapter 46

587 13 16
                                    

KYLE'S POV

It's already 4 a.m pero gising pa din ako. Nakaupo ako sa sofa malapit sa kama at tahimik na binbantayan si Mary habang natutulog. Kanina ko pa hinihintay ang tawag mula kay Sean pero hanggang ngayon ay wala pa din. Gusto ko ng malaman kung anong resulta e. pagkalipas ng ilang Segundo ay napailing ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko.

"Any results?"

[Gago yang si Ivan nasa Palawan lang siya. Siguro nagpapalamig doon sa resort niya. Sus! Akala niya niya siguro porket naka turn off yung cellphone niya e hindi ko siya mahahanap agad. Buti na lang malupet ako.]

"Okay, thanks."

[ Yun lang? pinaghanap mo ako ng tao ng dis oras ng gabi tapos salamat lang sasabihin mo?]

"Tumigil ka nga! I'm doing this for Mary, she needs to see Ivan as soon as possible."

[Ganon ba? Tsk! Ngayon lang 'to libre ah.]

" Thanks again."
I ended the call saka bumalik sa kwarto para tingnan si Mary. 

Nang makarating ako sa kwarto ay naabutan ko si Mary na nakaupo na sa gilid ng kama at nakatingin sa kawalan. Bumuntong hininga ako bago lumapit sa kanya. Naupo ako sa tabi niya at saka naman siya umayos ng upo at tumingin sakin. Halatang umiyak siya magdamag dahil sa pamamaga ng mga mata nito. Mabigat sa loob ko na hindi ko siya naprotektahan mula sa sakit na gaya nito. Kung alam ko lang sana.

"Mary, I have good news for you. Alam ko na kung nasaan si Ivan."

"Talaga?" kaagad lumiwanag ang mga mata niya.

"Yeah. Pupuntahan natin siya, I'll go with you pero kailangan mo munang magkalakas. Let's go eat breakfast then we'll go to Ivan after."

"Tara na."

Mabilis siyang tumayo at inayos ang gusot gusot niyang damit. I think she needs to fix herself first before we go for breakfast. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at hinila papunta sa banyo.

"Kyle, what am I going to do here? akala ko kakain na tayo? I need to see Ivan." sabi niya habang nakatingin sakin.

"I know but first you need to freshen up. Hindi ka naman siguro magpapakita sa kanya ng ganyan,diba? Now,go fix yourself. Ako na bahala sa damit mo."

Hindi na siya nakapalag pa sakin at kaagad siyang pumasok sa banyo.Dumiretso ako sa walk-in closet ko at saka kinuha ang mga damit na naitago ko para kay Mary at inilatag ito sa kama. Habang naghihintay na lumabas si Mary ay tumawag ako sa kakilala ko na mahihiraman ng private plane para mas mabilis kaming makarating sa Palawan.

After few minutes,narinig ko na ang pagtawag sakin ni Mary. Kinuha ko naman ang mga damit niya at dali dali itong inabot sa kanya. I did not look though, naka abang naman na siya sa pinto. Ngiti lang ang isinagot niya sakin bago muling pumasok sa loob.

Steph's POV

Bago lumabas ng banyo ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Kakatapos ko lang maligo at kahit papaano ay mukha na akong maayos. Mabuti na lang at may mga damit ako dito kay Kyle. Huminga ako ng malalim habang inaayos ang buhok ko. Dry shampoo na lamang ang ginamit ko para mabilis kaming maka alis ni Kyle. Gustong gusto ko na kasi talagang makita si Ivan. Pakiramdam ko ay napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. I blamed him for my heartaches not knowing that he suffered too.

Naiiyak na naman ako pero pinigilan ko. I need to be strong. Kailangan ko na siyang makita. I can do this!

"Let's eat,Kyle. Bilisan na lang natin ah." bungad ko pagkakita ko kay Kyle sa may resto sa baba.

Medyo nagulat siya dahil siguro mabilis lang ako mag ayos pero wala e, gustong gusto ko na talagang makita si Ivan ngayon. Naupo ako at tahimik na sinimulan ang pagkain ko.

"May private plane na akong nakuha para mas mabilis tayong makarating sa Palawan."

"Palawan?"

"Yeah. According to someone, nasa Palawan ngayon si Ivan. Baka nasa resort niya."

Pagtango lang ang naging sagot ko kay Kyle at mas lalong binilisan ang pagkain ko.

Pagtapos kumain ay kaagad kaming dumiretso ni Kyle sa airport para puntahan yung private plane na naghihintay samin.

"Okay ka lang?" tanong ni Kyle pagkasakay namin.

"I'm good, a little bit scared I guess."

"Don't be. I'm sure maayos naman ang mga mangyayari. Be positive, Mary." Nakangiting sabi ni Kyle sakin saka marahang tinapik ang kamay ko.

Ngumiti din ako bilang sagot saka itinuon ang atensyon ko sa bintana. Sana nga maging maayos ang lahat. After what I did to Ivan, sana maayos pa nga lahat. I can't lose him again, at least not anymore. I hope everything will be fine.

"Nandito na tayo, Mary. Sana nandito siya ngayon sa resort niya." sabi sakin ni Kyle na makarating kami sa El Santuario.

Kaagad kaming lumapit sa front desk ng resort para malaman kung nandito talaga si Ivan.

"Good evening, Ma'am, Sir, how can I help you po?"

"We're just wondering kung nandito si Ivan?" tanong ko.

"Ah yes, Ma'am. Nasa may beach po siya ngayon pero Sir Ivan instructed us that he won't be entertaining visitors."

"Miss, nakikiusap ako. Kailangan ko siyang makausap, please. I'm Stephanie Santos, kilala niya ako. I'm begging you, let me go to him now."

Kailangan kong makita si Ivan kaya kahit magmakaawa ako dito at lumuhod, gagawin ko. Gusto ko lang siyang makausap.

"Miss, ganito na lang. Kahit yung kasama ko na lang yung papasukin niyo, maiiwan na lang ako dito. Just please let her see Ivan." pakiusap ni Kyle.

Nagpalitan ng tingin yung dalawang staff sa front desk na parang pinag iisipan nila kung papayagan nila ang kondisyon na sinabi ni Kyle sa kanila. Sana pumayag sila. Please.

"Okay po pero si Ma'am lang po ang papasok." para akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabing iyon nung staff.

"Go see him, Mary. Nandito lang ako." nakangiting sabi ni Kyle sakin.

Isang tango lamang ang naisagot ko kasabay ng mabilis kong pagtakbo papunta sa kinaroroonan ni Ivan. Habang tumatakbo ako ay wala ng akong ibang inisip kundi ang sana mapatawad pa ko ni Ivan. Sana bigyan niya pa ulit kami ng isa pang chance. Sana ako pa din yung mahal niya.....

Pagdating ko sa may beach ay mabilis kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid para mahanap ko agad siya. Ilang minuto pa akong naghanap hanggang sa may maaninag akong isang lalaking nakaupo sa may dalampasigan. I think si Ivan na iyon.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya ng walang ginagawang kahit anong ingay. Ilang saglit pa ay nakarating ako sa may likuran niya mismo. Naramdaman kong parang mag uunahan sa pagbagsak ang mga luha ko at nalaman ko na lamang na mahigpit akong nakayakap sa kanyang likuran habang nahikbi.

"Ivan, I'm sorry......"



Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon