Chapter 18

929 37 0
                                    

Ivan's Pov

Aish! Hindi ako makatulog. Kanina kasi nung nakita ko si steph parang tatalon ang puso ko. Bwisit! Ang bakla naman nito.

Tulog na kaya siya? Puntahan ko ba?

Tumayo ako mula sa kama at naglakad papalapit sa pinto ng hotel room ko. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto. Wala naman akong marinig eh

-________-

Makalabas na nga lang . Pagbukas ko ng pinto napatingin ako sa dumaan na babae. Si steph? Saan naman siya pupunta? Tsk! Kulit naman nung babaeng yun! Gabi na kaya. Aish.

Kinuha ko yung wallet at phone ko tsaka lumabas ng hotel room ko. Kailangan ko yung sundan baka mapahamak pa yun.

Nang makalabas na ako ng hotel ay naabutan ko si steph na naglalakad sa may beach. Yeah. Malapit kasi sa may beach yung hotel namin.

Ewan ko ba hindi naman ako ang gumawa ng hotel na ito.

-__-

Sinusundan ko lang siya hanggang sa makita ko siyang tumigil sa isang ice cream parlor. Tss. Favorite place ba niya ito? Sabagay pareho nga pala kami.

Umupo siya sa isa sa mga stool sabay luminga linga sa paligid . Habang busy siya sa pagtingin kung saan saan ay umupo na ako sa tabi niya. Hindi naman niya napansin eh.

Napansin kong oorder na siya kaya naman nagsalita na rin ako.

Boom! Pareho pa kami ng order. Nang mapansin ko na nakatingin siya sa akin ay...

"Steph?"

Syempre dapat inosente kunwari. Alangan naman kasi na sabihin kong sinundan ko siya diba? Tss.

Halata naman na nagulat siya sa pagkakakita namin. Para naman siya nakakita ng multo. -_-

"I-ivan? Ah...anong ginagawa mo dito?"

"Nagbabakasyon lang. Ikaw?"
Tss. Sinungaling.

"Ah may investor lang akong kailangang kausapin. " sabi niya at umiwas na ng tingin.

Naiilang ba siya sakin? Bakit naman? Tss. Ang engot naman Ivan! Malamang sino bang matutuwang makita na lang basta ang ex niya? Wala naman siguro at kung meron man baliw yun -_-

Paano ko ba siya kakausapin? Naiilang kasi siya sakin eh. Nakakaasar naman. Hay.

"Ah Steph? Gusto mo pasyal tayo? "

"H-huh? Eh kasi ano....may kailangan pa kasi akong kausapin na possible investor. Wag na lang siguro" nahihiya niyang sabi.

"Ngayong gabi? Please lakad lakad lang naman tayo eh. " pakiusap ko.

Napatingin naman siya sakin tsaka bumuntong hininga.

"Sige na nga"

Sakto namang dumating na yung order namin. Nakipag away pa nga kung sinong mag babayad eh. Sabi ko ako na pero ang kulit niya sabi niya siya na daw. Pero sa huli ay ako na ang nagbayad pinagbantaan ko kasi yung lalaki . Hahaha.

"Tara sa may beach tayo"

"Sige"

Naglakad lakad na kami sa may beach. Ang ganda pala diro pag gabi? Ang lamig pa ng hangin. Tiningnan ko si Steph. Siguro nilalamig na siya. Sakto naman naka jacket ako kaya naman hinubad ko yun at isinuot sa kanya. Halata namang nagulat siya.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon