Chapter 26

947 35 5
                                    

Stephanie's Pov.

Bigla akong nagising ng marinig ko ang pagtunog ng alarm clock ko. Kung sa ordinaryong araw maiinis ako pero ngayon masasabi kong ibang iba ang naging reaksyon ko. I found myself smiling while looking at the ceiling of my room, sobrang saya namin kahapon. Nag bonding kami nina mommy at daddy. Nanood ulit kami ng movie pagtapos nagluto ng lunch si mommy. Ang sarap pala magluto ni mommy? Tapos nagpasya kami na mamasyal sa mall, pinag shopping ako ni daddy. Sabi ko nga wag na dahil may mga damit pa naman ako pero makulit talaga si daddy eh. Pero kung may hindi man ako makakalimutan yun ay yung nag arcade kami, sina mommy at daddy kasi hindi marunong haha. Si daddy naman ang epic nung sinubukan niyang kumuha ng stuff toy dun sa toy catcher.

Hay! Sobrang saya ko kahapon at umabot pa yung saya na yun hanggang ngayon. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo. After 20 minutes ay bumaba na ako pupunta sa dining area tapos na akong maligo at nakabihis na rin ako.

"Good morning, Stephanie." Sabay na bati nina mommy at daddy ng makarating ako sa dining area.

"Good morning din po." Nakangiting sabi ko . Umupo ako as usual chair ko kung saan magkaharap kami ni mommy.

"Ito anak tikman mo ito." Sabi ni mommy at talagang tumayo pa siya at nilagyan ako ng lasagna sa plato ko.

"Sige po. Salamat mommy." Sabi ko saka ngumiti.

"How was it? Is it delicious?" Kabadong sabi ni mommy ng sumubo ako ng lasagna.

"Its delicious." Nakangiti kong sabi. I saw mommy sighed in relief.

"Kanina pa kasi nag aalala ang mommy mo na baka hindi mo daw magustuhan." Natatawang sabi ni daddy kaya naman hinampas siya ni mommy. Ngayon ko lang nakita na naging sweet sa isa't isa sina mommy at daddy. Naalala ko tuloy nung kami pa ni ivan- teka! Mali 'to. Erase! Erase!

"Are you okay,sweetie?" Tanong ni mommy. Napansin siguro nila ang oag iling iling ko.

"I ah yes...I'm okay mommy. May naisip lang po ako but don't worry it was nothing important. " sabi ko saka ngumiti.

That's right,Stephanie. Fool yourself that its nothing...

After half an hour, natapos na rin akong kumain. Nagpaalam na ako kina mommy. Sayang lang dahil hindi kami makapagbonding ng matagal pero marami pa namang oras siguro na makakasama ko sila.

I'm now on my way to our company. Medyo hindi pa naman traffic kaya mabilis lang ang byahe ko. Nakarating ako sa company at exactly thirty minutes pag-alis ko sa bahay namin, mabilis kasi akong magmaneho that's why. Nagpark ako sa private parking lot ng company namin.

"Good morning,Miss Mary." Bati sakin ng mga employees na makakasalubong ko. I just smiled at them as a response. Ewan ko nakasanayan ko na lang ang ganung pagsagot.

"Good morning, Miss Mary." Bati sakin ni Christie nang makarating ako sa may office ko.

"Good morning. Sabi ko naman sayo Mary na lang itawag mo sakin eh." Natatawa kong sabi.

"Hindi po kasi ako sanay eh. Isa pa, boss ko po kayo hindi po magandang pakinggan." Nahihiyang sabi niya.

"Fine. Doon tayo sa office ko." I said with a smile.

Pumasok kami sa office ko. Naupo si Christie sa upuan sa harapan ng desk ko at ako naman ay umupo sa swivel chair ko.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon