Chapter 31

726 28 9
                                    

Stephanie's Pov.

"Napakakulit mo!" Natatawang sabi ko kay Ivan.

Paano ba naman,umagang umaga ang kulit. Kanina bigla na lang akong nagising dahil sa katok na narinig ko sa pinto at pagbukas ko ay sumalubong sakin si Ivan na may dalang ice cream.

Nakaupo kami ngayon sa may sofa habang nanunuod ng t.v. Nakapatong yung paa ko sa hita niya habang kumakain ako ng ice cream. Feeling ko tuloy binubully ko ang boyfriend ko. Yep, boyfriend ko na ulit siya.

"Sa lahat naman ng girlfriend ikaw 'tong pinaka abusado. Lagi mo pa akong minamaltrato." Sabi niya tapos kunwari umiiyak. Sus.

"Mahal mo naman ako." Natatawa kong sabi.

"Dapat bang pagsisihan ko na minahal kita?" Natatawa niyang sabi. Ah ganun pala huh.

"Okay." Simpleng sabi ko sabay ibinalik ko ang atensyon ko sa panunood.

Naramdaman ko naman na gumalaw siya. Ibinaba niya yung ice cream niya sa nay table tapos biglang lumapit sakin.

"Girlfriend ko....."
Malambing niyang sabi sabay yakap sa tagiliran ko.

"What?"

"I love you. " sabi niya sabay kiss sa cheeks ko.

Paano na lang gagana yung pagtataray ko kung ganito kasweet ang boyfriend ko? Argh!

"Tse!"

"Hindi mo na ako mahal?" Nakapout niyang sabi.

"Alam mo naman ang sagot sa tanong mo eh." Sabi ko habang pinipilit kong hindi matawa.

"Hindi mo na ako mahal?" Pag uulit pa niya.

Oh, i give up!

Lumapit ako sa kanya tapos hinalikan ko siya sa pisngi niya.

"I love you,okay? Don't ever doubt that." Nakangiting sabi ko.

"I know." Sabi niya sabay niyakap ako ng mahigpit. We stayed in that position for a couple of minutes.

"Ivan?"

"Hmmmm?"

"Do you want to tell them about us?"

"Not now. This is your day and i don't want to take the spotlight away from you." Nakangiting sabi niya.

"Naisip ko lang kasi sina Paul. Galit pa rin sila sayo." Nakayukong sabi ko.

"Everything will be okay. Ako na bahala sa kanila. For now,ang isipin mo lang ay ang opening niyo mamaya."

"You'll be there,right?"sabi ko sabay nag angat ng tingin.

"Of course. Dapat nandon naman talaga ako eh. I'll come not as an investor but as your boyfriend." Nakangiti niyang sabi.

"Bakit ba ang sweet mo huh? Kahapon ka pa ganyan. Hindi ka man lang ba nananawa?" Sabi ko sabay tawa.

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon