Chapter 48

188 6 2
                                    


Steph's POV

"Hoy, lovebirds! Bilisan niyo na nga mag breakfast. Gusto ko na mag swimming!"

Natawa na lang kami ni Ivan sa paghihimutok ni Kyle. Kanina pa siya ganito. Nang aasar na siya simula nang malaman niya na magkasama kami ni Ivan kagabi.

"Eat faster, Babe." natatawang sabi ni Ivan sakin.

Napairap na lang ako sa kakulitan nitong dalawang 'to. Medyo binibilisan ko na yung pagkain ko habang si Kyle naman ay tiningnan ako na parang naiinip. Aba! Ang dami naman kasi nilang inorder e! Hirap tuloy maubos hindi naman sila kumain masyado.

"Finally!" sabi ni Kyle nang makita nyang wala ng pagkain na natira.

Tumayo na kami at siya naman ay dali daling umalis papunta sa kwarto niya. Sobrang excited ahh!

"Punta ka na sa room mo. I'll wait for you here."

"Alright. Mabilis lang ako promise."

Tumango lang sakin si Ivan tsaka ako pumasok sa room ko. Kaagad kong hinalukay ang laman ng bag ko. Sana naman may nadala ako na pwede pang swimming. Nakakita ako ng isang spaghetti strap na top at isang cotton shorts, okay na siguro ito. Nagpunta na ako sa cr at saka nagpalit ng damit.

Ivan's POV

I was patiently waiting outside Steph's room when the door opened. Napatulala ako sa suot niya na pinarisan ng isang messy bun. Damn! Sobrang ganda at ahm sexy tingnan ng girlfriend ko.

Stop it, Ivan!

"Okay lang ba itsura ko? Wala kasi akong masyadong dala e."

Hindi ko alam kung ano nangyayari basta ang alam ko lang ay para akong tanga na tumango sa kanya. Marahan kong tinapik ang sarili ko at saka tumikhim. Lumapit na ako kay Steph tsaka ngumiti.

"You always look beautiful, Babe. Let's go? Naghihintay na satin si Kyle panigurado.

" Okay. Tara na. " nakangiti niyang sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya at saka kami sabay naglakad papunta sa pool area ng resort. Malamang nyan naiinip na kakahintay si Kyle samin.

Steph's POV

Naabutan namin si Kyle na nag e enjoy sa pool. Mukhang hindi niya na talaga kami nahintay HAHAHA. Naupo na muna ako sa may gilid ng pool habang kumuha naman ng snacks si Ivan para samin.

Sumagi bigla sa isip ko yung kanina. Naalala ko yung gulat ni Ivan nung lumabas ako ng kwarto. Hindi ko tuloy maiwasang mamula dahil doon. That's the first time I saw Ivan looked at me like that.

Wag mo na nga isipin yun, Steph. Nakakahiya!

"Tulala ka ata dyan...."

Paglingon ko ay agad kong nakita si Ivan na naupo sa may tabi ko. Naalala ko na naman yung kanina.

"Hey, you alright? Bakit ka namumula?"

"Ahhh wala 'to! Mainit kasi e kaya ayun." Palusot ko.

"Hmmmmm okay." He said while smiling.

Natigilan kami ng basain kami ng tubig ni Kyle. Nanatili kaming gulat habang siya naman ay tawa ng tawa.

"Pumunta ba kayo dito para lang maglambingan? You guys should swim too. Wag kayong madaya!" sabi ni Kyle sabay langoy ulit.

"Tara swimming na tayo baka balikan pa tayo ni Kyle." natatawang sabi niya.

Naunang naglublob sa tubig si Ivan at sumunod na lang ako, buti na lang talaga at hindi malamig yung tubig. Nagsimula na kaming mag swimming na may halong kulitan. Hays. I kinda miss these two.

----------------

"Pahinga ka muna sa room mo. Mamaya puntahan kita tapos nood tayo ng sunset."

"That sounds fun and relaxing. Matutulog muna siguro ako saglit."

"Sige I'll see you later. Pahinga ka muna. I love you." sabi ni Ivan sabay halik sa noo ko.

"I love you too." I smiled then closed the door after.

Inilapag ko sa kama yung mga pinamili na damit ni Ivan para sakin. Kanina kasi after mag swimming ay dumayo kami sa isang local market at naswertehan namin na may mga damit din na tinitinda doon. Tinupi ko muna ang mga ito bago ko nilagaysa cabinet at saka ako nahiga ako sa kama. I need to rest, may sunset viewing pa mamaya.

Ivan's POV

"Let's sit here." sabi ko sabay alalay kay Steph papunta sa isang cottage.

"Wow! This cottage looks super nice." sabi niya pagkaupo sa sofa.

"I wanted to make all the cottages here as relaxing as it can be so that the guests will be comfortable while viewing the beach."

"This is really nice, Ivan. Halika maupo ka na dito, malapit na bumaba yung araw." She said, smiling.

Naupo na ako sa tabi ni Steph at sabay naming pinanood ang paglubog ng araw. Hindi ko tuloy maiwasang titigan siya habang amaze na amaze siya rito. She looks so beautiful. Niyakap ko siya mula sa likod at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya yung braso ko na nakapulupot sa kanya.

"I miss you so much, Stephanie. Miss na miss kita."

"I'm sorry for what happened before. Sana nalaman ko agad lahat para hindi tayo nagkasakitan. I miss you, too, Ivan.

" Hindi mo naman kasalanan yun e. Wag na tayo maghiwalay ulit ahh? I can't lose you again. "

" We won't, I promise. "

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya and I suddenly felt a soft kiss on my temple. Sana ganito na lang kami palagi.

"I love you so much Ivan/ Steph." sabay namin sabay tawa.

We stayed in that position for minutes. One of the most memorable time of my life.

¦¦¦¦¦¦¦¦¦¦¦¦¦

Thank you sa support, guys! I really appreciate it. More updates to come so stay tuned. Be safe always!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon