Chapter 45

497 14 8
                                    


Steph's POV

"A-anong totoo,Dad?"

Nagpalitan ng sina Mom at Dad dahil sa tanong ko sa kanila. What's the meaning of this? Anong kailangan kong malaman?


"Anong sinasabi mo,Dad? You sound weird."

Sinenyasan ako ni Mom na umupo at kaagad naman akong sumunod. Naguguluhan ako at hindi ko alam kung bakit ang seryoso nila ngayon. Mas lalo akong naguluhan dahil sa sasabihin nila sakin.


"Mom? Dad?"



Napansin kong nagpalitan ng tingin sina Mom at Dad nang paulit ulit. Hindi ko talaga alam kung bakit sila nagkakaganito. Ano ba kasing sasabihin nila?


"Stephanie, anak, sana lawakan mo ang pang unawa mo. Sana tandaan mo na ang lahat ng ginawa at gagawin namin ng Mommy mo ay para sa para sa kabutihan mo, Anak. We just want the best for you."


Tumabi sakin si Dad at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko maiwasang ang mas maguluhan ngayon. Bakit sinasabi ni Dad ito ngayon?


"Dad, alam ko naman poo iyon. You don't need to be emotional about it. Kailangan ko na pong umalis . I'll see you guys later,okay?"


Sinubukan kong ngumiti kay Dad para hindi na siya malungkot. I needed to see Ivan right now. Tumayo na ako at nagsimula ng umalis nang magsalita ulit si Dad na naging dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.


"Walang kasalanan si Ivan, ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyari."



Hinarap ko si Dad na may halo halong emosyon sa mukha ko. Anong sabi niya? Tama ba yung narinig ko? This can't be.....



"Dad, this is not funny. Quit joking please?" Sabi ko na medyo naiinis.


"Hindi ako nagbibiro, Anak. Remember that time na dinala mo si Ivan dito? I talked to him while you're away. Sinabi ko na kailangan ka niyang hiwalayan o ipapakasal kita sa iba. I needed to secure our wealth and protect it from anyone, but that was before. Noong una ayaw niyang pumayag pero tinakot ko siya. Ayaw niyang hiwalayan ka pero pinilit ko siya. Naisip ko kasi na masyado ka na niyang naiimpluwensyahan at baka dahil doon ay hindi mo na gustuhin na patakbuhin ang kompanya natin. I was so eager to make sure that you will continue running our company after my term. Hindi ko alam na mangyayari ang hindi ko inaasahang aksidente mo. You almost died that time and it was all because of me! I was so selfish and inconsiderate back then kaya ngayon ginagawa ko lahat para maging masaya ka ulit. I'm sending Ivan your whereabouts, secretly. Gustong gusto kong makabawi sayo, anak. Patawarin mo ako. Hindi ko talaga sinasadya. I'm sorry, Stephanie."



Hindi ko napigilang maiyak sa ginawang pag amin ni Dad sakin. Pakiramdam ko nanginginig ang mga laman ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin at gawin sa mga oras na ito. Of all people, bakit si Dad pa? Bakit si Dad pa yung naging dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon?

Forgetting Mr SupladoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon