Four

325 19 3
                                    

Chapter 4

I CAN SKIP our meeting if I wanted to. Kaya kong panindigan ang sinabi ni Aniel sa akin na hindi ako professional. Kaya kong umuwi nang maaga at hindi sila siputin sa meeting room.

But why would I do that? I'm not immature like him. Ako, kaya ko pa rin siyang kausapin at tratuhin na isang normal na ka-trabaho. Hindi niya 'yon magawa sa akin. Tatlong taon na kami sa kumpanyang ito. Pero ni minsan, hindi man lang siya nakisama sa akin sa maayos na paraan.

Aniel loves getting into my nerves. He likes acting so bossy around me and our team, which my workmates find hot I don't know why. Minsan na rin niya akong inutusan na magtimpla ng kape niya na hindi ko naman matanggihan because he asked for it in front of our supervisors. I was currently building my image back there kaya ayokong bugahan siya ng apoy habang may ibang tao kaming kasama. I should act fine, attentive, and active. Hindi ako pwedeng pumalya.

"Hindi ka pa uuwi, Nemmie?" tanong sa akin ni Kuya Rob habang inaayos na niya ang mga gamit niya.

I looked at the time. 5:47 PM. The meeting's at five thirty. Lagpas sampung minuto na, pero wala pa ring tumatawag sa akin para sa meeting namin.

"Overtime, kuya. May kinuhang project si Architect Felan. I was included," nakangiting sagot ko sa ka-trabaho ko.

"Oh. Sige. Umuwi ka agad kapag natapos kayo, ha? Mag-o-overtime sana ako ngayon kaso birthday ni bunso."

"Pasabi kay Rica I greeted her a happy birthday," sabi ko. "Sa fifteen na lang ang gift ko."

Natawa naman siya at marahang ginulo ang buhok ko. "I'll bring you cake tomorrow."

"Thank you."

Nagpaalam na siya sa akin saka tuluyang lumabas ng planning office. I was left alone inside, waiting for a damn call from Aniel or anyone of his minions for our meeting.

***

6:00 PM.

Jusko, gabi na! Feeling ko mag-isa na lang ako sa buong ASDG. Nakauwi na yata lahat ng mga tao. Nasaan na ba ang mga 'yon?

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at saka sumilip sa labas. The hallway was quite. Nakabukas pa naman ang lahat ng mga ilaw, pero parang hindi naman nila pinapatay ang mga 'yon kahit wala na ang mga tao. I sighed and went back inside the room to pick up my things.

Uuwi na ako. Bahala na si Aniel buhay niya. I didn't agree to be part of his problem in the first place. Isinakripisyo ko na nga ang day off ko ngayong araw dahil sa demand niyang pumasok ako sa trabaho, pati ba naman ang pahinga ko sa gabi, babawiin niya rin?

Again, he's not the boss here. Wala siyang karapatang pagbawalan ako sa mga gusto kong gawin.

I went outside after checking the whole room for some opened windows and activated airconditioner. Pinatay ko lahat ng mga 'yon at inalis din ang saksak ng mga computers. I left the lights on as I close the door.

Tahimik lang akong naglalakad sa hallway patungo sa elevator. I remove the thought of someone stalking me from behind and then chasing me with a knife afterwards. Kung ano-anong naiisip ko. I should probably stop binge-watching thriller movies.

I received a text from Freeda asking for my whereabouts. Nagreply naman ako sa kanya na pauwi na ako at nag-overtime lang saglit. God! I can't wait to rant to her about Aniel!

Nasa tapat na ako ng elevator nang may marinig akong boses mula sa isang room. Natigilan ako at napalingon sa paligid. Akala ko ba ako na lang ang nandito building?

I took a step towards the room, trying to analyze if tao ba ang mga naririnig ko o mga multo.

I made a face at my own thoughts. Really? Multo? At the age of twenty-six, mas naniniwala pa akong multo ang naririnig ko kaysa tao?

Pursuing My NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon