Chapter 37
MAMAYANG GABI gaganapin ang year-end party ng Alpha Suarez Design Group. Masyado yata akong excited dahil umaga pa lang ay nakahanda na sa kama ang mga gagamitin namin ni Aniel.
"Nemesis, bababa lang ako. I'm going to get something at the lobby—what are you doing?"
Tumayo ako at hinarap siya. Nasa tapat siya ng pinto at nakakunot ang noong pinagmamasdan ako. I grinned at him.
"Inaayos ko 'yong mga gagamitin natin later."
His forehead creased. "Isn't it too early to prepare?"
Umirap ako. "It's better to be early than to rush later," sabi ko. "Saan ka pala pupunta?"
"Downstairs. The reception called. I have a mail."
"Ah. Okay!" I said. "Nag-text pala si Freeda. Pupunta raw sila ni Channing dito mamaya. Dito raw sila mag-aayos."
Aniel sighed. Natawa ako. Dapat masanay na siya na laging napupuno ng bisita ang condo niya ngayong nakikitira na rin ako rito.
Nang lumabas si Aniel ay nagpunta na ako sa kusina para maghanda ng ipapa-meryenda kila Freeda. Tinanong ko siya kanina kung bakit dadalawa lang sila ni Channing ang pupunta. Hindi raw niya alam kung nasaan si Triton. Hindi rin naman daw sumasagot sa tawag ni Channing ang binata kaya hinayaan na lang namin. Baka busy 'yon o focus muna sa ka-date niya mamaya. Imposible kasing wala siyang plus one na dadalhin.
Natapos na ako sa pagpapahid ng Nutella sa loaf bread nang makabalik si Aniel. May bitbit siyang brown envelope na naka-seal.
"What's that?" tanong ko nang lapitan ko siya.
"Just some reports..." tahimik na sagot niya saka binuksan ang folder.
"Reports about what?"
"I don't know yet."
Hinayaan ko siya roon. Maybe it's just about work. Or maybe something confidential. Magsasabi naman siya kung gusto niya. At hindi naman por que madalas na akong nakatira rito sa unit niya ay dapat alam ko na lahat ng ginagawa niya. I still respect his boundaries, the same time he's respecting mine.
Dumating sila Freeda. Ako ang nagbukas ng pinto para sa kanila dahil nasa banyo si Aniel at naliligo pa. I was on my robe, wet and flushed. Damn Aniel for locking me inside the bathroom and eat me like a hungry alpha he was.
Isang malaking ngisi ang ibinungad ni Freeda nang makita ang itsura ko. She snickered and gave Channing a knowing look. Umiling lang naman ang binata pero nangingiti ring pinagmamasdan ako.
"So the after sex glow is really true," sabi ni Channing. Freeda laughed beside him. Nanlaki ang mga mata ko at halos saraduhan sila ng pinto.
Mga walang hiya!
Pinapasok ko sila. Panay pa rin ang pagpaparinig ni Freeda sa akin tungkol sa itsura ko.
"Good timing lang na nag-sex sila ni Aniel ngayon. Tignan mo. Sobrang blooming. May makatatalo pa ba sa kanya mamaya sa red carpet?" sabi niya.
Hindi ko na siya pinatulan. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang buong katawan ko dahil sa pinagsasabi nilang dalawa ni Channing. I never thought of them noticing it. Was it really true? The glow after sex; was it really visible on me?
Ihinain ko ang meryenda nila. They only barely touched it dahil ayaw raw nilang maging bloated mamaya habang suot ang mga damit nila. I frowned at them. Hindi naman sila nagiging bloated kahit anong kain nila. Especially Freeda. Her figure always remain constant kahit hindi siya mag-diet.
"Let me bring your things in the other room," I said before picking up their clothes. Ipinasok ko ang kay Channing sa kabilang kwarto. It was a guest room. Hindi naman iyon masyadong nabubuksan dahil sa kwarto ako ni Aniel natutulog.
BINABASA MO ANG
Pursuing My Nemesis
Romance"Can you forget the past in exchange of the present?" After breaking up with her long term boyfriend, Nemmie Salvacion promised to herself to just focus on her work and to not be engaged in any romantic relationship yet. It is not because she was to...