Chapter 23
NAGISING AKO KINAUMAGAHAN na nasa tabi ko na si Aniel. He was sitting near my feet while cleaning his specs using a small piece of cloth. Nang maramdaman niyang nagising na ako ay bumaling siya sa akin at saka tumango.
"Good morning."
"Good morning," mahinang bati ko saka umupo. "Where were you last night?"
"I went back to Manila for some errands," he replied.
Kumunot ang noo ko. "Anong oras ka nakabalik dito?"
"Three AM."
My lips parted. "Bakit hindi ka na lang nag-stay muna roon? You could've just come back here this morning."
"It's fine," he said and stood up. "Let's have breakfast."
Tumayo na rin ako at pumasok sa banyo para mag-ayos. Nang lumabas ako ay naayos na ni Aniel ang sofa kaya sabay na kaming nagtungo sa barracks.
"Where's Triton?" tanong ko nang mapansing siya na lang ang wala sa mesa.
"I don't know," Aniel replied. "Here. Have some fried rice."
I thanked him as he put some foods on my plate. There's fried rice, scrambled eggs, ham, and fresh orange juice. Nakisalo kami sa mga trabahador na ang aga-aga pa lang ay sobrang taas na ng mga energy.
Minsan hindi talaga ako naniniwala na karamihan sa kanila ay lagpas singkwenta na ang edad dahil mas maingay at madaldal pa sila kaysa sa amin na mga mas bata. And with the smiles on their faces that were bringing good vibes every now and then here at our workplace, hindi mo talaga masasabi kung napapagod ba sila. I mean, yes you can see them panting and sweating heavily throughout the day. But they're just so happy... na para bang hindi nakakasakit sa kasukasuan ang uri ng trabaho nila.
Nang matapos kaming kumain ay isa-isa na kaming nagpunta sa designated workplace namin. I went back to the main building alone to get ready with my things. Si Aniel naman ay nasa may bandang pool area para ayusin din ang designs na ginawa niya para roon.
Bandang alas nuebe nang dumating ang dalawang junior designers from ASDG para tulungan ako. I thanked them for coming in such a short notice. Mahirap sumabak sa on-site designing lalo na kung under training ka pa lang. Kaya nagpapasalamat ako sa kanila na pumayag sa request ni Aniel na pumunta rito sa Batangas para tulungan ako.
"Ang bilis niyo pong gumawa, Miss Nemmie," sabi ng isa habang pinagmamasdan ang inayos kong design para sa bandang reception area.
"I already memorized the interior of this building that's why mabilis na lang para sa akin ang mag-design," paliwanag ko sa kanila. "Besides, if you own the designs that you are using in your project, hindi ka na malilito pa. Kaya ang advice ko sa inyo, familiarize yourselves to your designs. Alamin niyo iyong pinaka-nababagay sa theme and color scheme sa project niyo para hindi kayo malilito kapag nasa mismong site na kayo."
Tumango-tango naman silang dalawa sa sinabi ko. "Ready na po talaga kayong maging senior designer, Miss Nemmie."
I smiled warmly with that comment. We continued adapting and putting the planned designs on the reception area. From the carpets, lightings, plants, even the couch set na in-order namin with the clients' budget ay naayos na rin.
"We can start adapting the interior designs for the hotel rooms next week since polished na ang bawat rooms sa first and second floors."
"Okay po, Miss Nemmie."
"Alright! That's it muna for this morning. You guys can have your lunch break. Tuloy natin mamayang one PM iyong mga kulang pa," I told them while smiling.
BINABASA MO ANG
Pursuing My Nemesis
Romance"Can you forget the past in exchange of the present?" After breaking up with her long term boyfriend, Nemmie Salvacion promised to herself to just focus on her work and to not be engaged in any romantic relationship yet. It is not because she was to...