Fifteen

294 16 2
                                    

Chapter 15

I ENDED UP working my design board inside Aniel's office with him and Triton. Hindi ko naman inakalang totohanin ni Triton ang pagpunta sa office ko para roon magtrabaho. Kaso nga lang ay mukhang he also considered Aniel's invite kaya kami naroong tatlo sa opisina ng binata.

Aniel was right, though. Malaki at malawak ang working table na meron siya rito. Sakop ko halos ang kalahati, at nagsama naman 'yong dalawa sa kabilang dulo ng mesa. Kanina pa sila may pinag-aawayan tungkol sa measurement ng lupa at mga infrastructure, pero wala roon ang atensyon ko dahil focused ako masyado sa ginagawa ko.

"Ask Architect Cordova about the floor plan. Hindi ako ang may hawak ng main building," masungit na sabi ni Aniel.

"Nasa akin na ang design. I just want you to check it," sagot naman ni Triton.

I heard Aniel let out a sigh. "I am not familiar with the plan, Engineer. I cannot check if something's wrong with it."

"Why not? You just have to look for a mistake."

"Why don't you do it?"

"Bakit ako? Hindi naman ako ang architect dito," parang bata na sabi ni Triton.

"But you're an engineer."

"But this is not my design."

"So do I."

Napatingin sila sa akin nang marahas akong tumayo. I glared at them both before turning my back at them.

"Where are you going?" sabay pa na tanong nila sa akin.

Hinarap ko ulit sila saka nameywang. "Aalis."

Aniel frowned at me. "Why? Are you done with your design?"

Matalim ko siyang tinignan. "Paano ako matatapos kung ang ingay-ingay niyo? Sa tingin niyo makakapag-focus ako sa ginagawa ko?"

Napatikom si Aniel ng bibig sabay baling kay Triton. Triton chuckled and acted like he was zipping his mouth. I rolled my eyes heavenward.

"Kung mag-aaway kayo, sa labas kayo."

"We're not fighting," tanggi ni Aniel.

"May pinag-uusapan lang kami," Triton added.

"Then do it with your calm voices. Kung mag-usap kayong dalawa parang may bundok na nakaharang sa pagitan ninyo," ako na ang nagtutunog masungit dahil sa dalawang 'to.

I settled back to my seat and continue with my work. Tahimik na lang din ang dalawa sa kabilang dulo kaya hindi na ulit ako nagreklamo.

When lunch came, Aniel ordered our food kaya sa office ulit niya kami kumain. Para kaming naka-quarantine dahil hindi pa kami lumalabas na tatlo simula kaninang umaga. May ilang mga interns at architects na nagpupunta para silipin ang ginagawa namin pero hindi sila gaanong nagtatagal dahil nga masyado kaming busy para i-entertain sila.

Nang uwian na, nauna na si Triton dahil daw may lakad pa siya. Susunod na rin naman ako sa kanya kasi wala akong balak mag-overtime. Ewan ko lang kay Aniel. Nagliligpit na ako ng mga gamit ko, nagtatrabaho pa rin siya.

"Hanggang anong oras ka rito?" tanong ko habang pinagmamasdan siya.

I noticed that he's wearing his specs while outlining something on the blueprint. Nakaupo siya at saka naka-lean nang bahagya sa mesa. Naka-rolyo ang mga manggas ng kanyang longsleeve para hindi 'yon maging sagabal sa pagguhit niya. His black hair was a bit messy. Tanging mga daliri lang niya ang ginagamit niya para suklayin iyon.

"Until I finish this blueprint," he replied timidly.

I stared at him for five seconds before nodding. "Sige. Mauuna na rin ako."

Pursuing My NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon