Chapter 17
I HAVEN'T SEEN the project team at work the next week. Nakakapanibago na hindi ko nakikita si Aniel na dumadaan sa tapat ng planning office. Noong isang araw nga ay bigla kong narinig 'yong boses niya. I even went out of the office para lang makita sana siya. I don't know. Feeling ko kulang 'yong araw ko kapag hindi ko nakikita 'yong nakakabuwisit niyang mukha. Pero hindi ko siya nakita noong araw na 'yon. Ibang tao pala iyong narinig ko at medyo kaboses lang niya.
Nagpadala lang ng mensahe sa akin si Aniel para sabihin na sumunod ako sa Batangas this Thursday. And since I'm done with my initial design board, pwede ko nang ipakita 'yon sa clients para malaman kung may kailangan pa ba akong baguhin. Mas maganda rin na aayusin ko na lang ang designs ko kapag nakita ko na ang main building ng resort. Para hindi papalit-palit iyong mga nilalagay kong designs sa sketches ko.
Umuwi na rin si kuya Dom kahapon. Sinabi niyang sasaglit lang siya sa bahay nila Mama tapos baka babalik ulit siya sa condo para bumili ng sarili niyang unit. Nagulat pa ako nang sabihin niyang interesado siyang tumira rito sa Manila. As far as I can remember, he doesn't like staying in a busy place. Ang original plan nga niya ay magpatayo ng beach house sa Ilocos para may titirhan siya kapag nag-asawa na siya. Pero kahit naman kasi ayaw niya rito sa Manila, nandito ang trabaho niya. He can't just stay in Ilocos and then drive to Manila everyday for work. Gastos at pagod din 'yon.
Since I'm done with my design board, pinagtuunan ko na lang ng pansin ang dalawang clients na ibinigay ni Miss Jemma sa akin para mag-design ng unit nila. I talked to each of them via conference call this morning and sent them some of my designs from our portfolio. Sinabihan ko sila na mamili roon ng potential designs para sa unit nila and then pupuntahan ko sila bukas ng umaga.
It was just a calm yet busy day for me. Noong time out na, tinawagan ako ni Freeda para ayain mag-dinner. I said yes, of course. Para hindi na ako magluluto pagkauwi ko sa condo.
"Mag-stay in ka rin sa Batangas this Thursday?" she asked me while I'm busy enjoying my spicy pork adobo.
"Oo."
"Saan ka matutulog? Sa barracks?" she grimaced.
I rolled my eyes. "Sa main building ng resort. Tinatapos na nila 'yon and then kapag may available office or room na pwedeng tulugan, doon ako."
"Akala ko pa naman sa barracks ka na matutulog." Her face suddenly became alert. "May chika pala ako..."
I leaned over the table. Kung bakit ba naman kasi humihina ang boses niya kapag nagkukwento ng tungkol sa buhay ng ibang tao.
"I saw Channing yesterday night sa hotel na pinuntahan ko. He's with someone," she said. Her voice was low.
"Then?" I probed.
"They're having dinner. I saw the guy. He's freaking hot! Walanghiyang Channing 'yan. Hindi pa ba sapat sa kanya na gwapo siya at kailangan pati dine-date niya kasing-gwapo niya rin? Paano naman tayong mga nauubusan na?" she hissed.
I chuckled. "Hindi lang naman ikaw ang may karapatang maging picky, Freeda. And Channing's a handsome guy. Of course he would attract handsome men, too."
She frowned. "So kapag pangit, hindi na makaka-attract ng gwapo o maganda?"
"That's not what I'm saying." I sighed. "My point is, may standard din naman si Chan sa gusto niyang i-date. Parang ikaw rin. Ako. We all have tastes in men, you know."
Freeda looked at me. She's already settled back on her seat. "Ano ba'ng taste mo sa lalaki? And don't you ever describe Channing since he's the only guy you dated. Mag-isip ka. Iyong talagang gusto mo sa isang lalaki."
BINABASA MO ANG
Pursuing My Nemesis
Romance"Can you forget the past in exchange of the present?" After breaking up with her long term boyfriend, Nemmie Salvacion promised to herself to just focus on her work and to not be engaged in any romantic relationship yet. It is not because she was to...