Twenty Seven

259 16 4
                                    

Chapter 27

FREEDA ASKED ME kung gusto ko raw bang mag-sleep over sa unit niya. Pumayag ako kasi siyempre ilang linggo rin kaming hindi nag-usap. I could feel her excitement of knowing how the project went, but it was toned down dahil sa nakita namin sa labas kanina.

"Kailan pa lumipat si kuya rito?" tanong ko sa kanya habang nag-aayos kami ng higaan. Katatapos lang namin kumain at medyo nagtagal sa kusina dahil sa sarap ng luto niyang Tandoori chicken.

"Two days after you went to the site. That asshole even tried to accuse me na inunahan ko raw siya sa unit niya. Kung hindi ba naman siya tanga at hindi niya alam ang unit number niya." Umirap siya.

"Nag-away kayo agad sa unang araw pa lang niya rito?" natatawang tanong ko. Freeda pouted her lips. I laughed.

"Pero akala ko ba alam mong lilipat siya rito sa Manila?" Kumunot ang noo ni Freeda.

"Alam ko na lilipat siya. Pero hindi ko alam kung kailan."

"So you also don't know na pabalik-balik dito ang parents niyo para kausapin siya na bumalik ulit sa Ilocos?" Napabaling ako sa kanya. "Lagi silang nandito. Twice a week yata ang pagbisita nila kay Nereus."

I sighed. Kaya ba hindi na nila ako ulit kinulit noon tungkol sa paglipat ni kuya rito sa Manila? Siguro noong nalaman nilang nasa Batangas ako (which is nakakatampo, sobra, kasi hindi man lang nila ako kinamusta kahit sa text lang), nagdesisyon na sila ni Papa na sila na lang ang magkumbinsi kay kuya na bumalik sa probinsya.

"Hindi ka man lang ba nila kinamusta sa trabaho mo, Nemmie?"

I struggled to look at Freeda. Umupo ako sa dulo ng kama at humugot ng hininga. I cannot believe na ganito ang mararamdaman ko pagbalik ko ng siyudad. I was so distracted with Aniel during our stay in Batangas kaya nawala sa isip ko ang tungkol sa pamilya ko. But learning about their efforts to come here to pursue my brother para lang bumalik ulit sa kanila is making my heart broke.

Bakit hindi nila ako kayang bigyan ng parehong atensyon na nakukuha ng kapatid ko mula sa kanila? Bakit lagi na lang si kuya ang nakikita nila?

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Lumapit si Freeda sa tabi ko saka pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko. I released a shaky sigh and hugged my best friend.

"I will be promoted tomorrow, Free," sabi ko sa kanya. I felt her hug tightened.

"I'm so proud of you, Nemmie," bulong niya.

Napangiti ako. I just know that I'm so lucky to have Freeda in my life. She's someone that I will consider as a family. Someone I know that cares for me genuinely. More than how my parents care for me. Kung wala siya, hindi ko na alam kung ano'ng klaseng buhay ang meron ako rito sa Manila ngayon.

***

Nakatulog agad ako dahil sa pagod. Mabuti na lang at hindi na pinilit ni Freeda na magpuyat kami kasi marami rin daw siyang aasikasuhin sa office. Busy ang marketing department ng ASDG ngayong buwan dahil balak yata ng kumpanya na palawakin ang services nila including accepting some government projects.

"May nakalimutan akong sabihin sa 'yo kagabi," sabi ko habang naglalakad kami palabas ng parking lot.

"What is it?" tanong ni Freeda habang inaayos ang kanyang mahaba at kulot na buhok gamit ang kanyang mga daliri.

I stopped and looked at her. Natigilan din siya at nakataas ang kilay na bumaling sa akin.

"Have I told you already that you look like Simone Ashley? Mas singkit ka lang kaysa sa kanya," nakangising wika ko.

Freeda rolled her eyes at me and grunted. Natawa ako dahil sa itsura niya. It's true, though. Given the fact that she's an Indian, and her freaking skin tone is something I would die for. She really looked like that Bridgerton girl minus the vintage dresses and balls. Freeda likes sexy dresses and attending parties at the club.

Pursuing My NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon