Chapter 26
FINALLY! The project is finished!
"Congratulations!"
The clients were so happy after we have them to tour around the whole resort to see the outcome of the project. Tuwang-tuwa sila at panay ang papuri kay Aniel dahil sa ganda ng ginawa nitong development sa buong landscape ng resort. He developed three large pools, placed a mini bar beside one, had a very magnificent man-made falls, and some cottages near the garden area.
Nakita ko na rin kanina iyong fountain sa harapan ng main building. Hindi ko pa alam noong una kung ano ang ire-react ko. Triton was right when he said that it was a very weird fountain. Ngayon lang ako nakakita ng fountain na sobrang liit ng highlighted figure. I mean... why the heck is there a small tree in the middle of the mini pond full of Koi fish? At sa mga dahon nito lumalabas ang tubig na nagsisilbing fountain.
Nagkaroon ng kaunting salu-salo sa loob ng reception hall ng main building pagkatapos ng site inspection. The whole team were there. Except for the workers who chose to have their separate celebration with beers and chicharon near the beach.
Mag ga-gabi na nang makawala kami sa event. Sa sobrang dami kasing pumunta na mga hoteliers at ibang establishment owners which we had a very long conversations with (for connections. You know. Potential client din ang karamihan sa kanila) ay halos hindi na kami makaalis nila Aniel sa loob ng venue. Siyempre nakakahiya naman kung magpapaalam kami sa gitna ng usapan lalo pa't kami ang center of attention kanina.
Lalo na 'yong dalawa. Ang dami nilang na-attract na mga matatandang babae para kumausap sa kanila. Sa lakas ba naman kasi ng charisma ni Triton tapos dagdagan mo pa ng sex appeal ni Aniel kahit na nakakunot lang ang noo niya most of the time, talagang mahuhumaling na lumapit ang mga guests sa kanila.
Pero hindi rin ako nagpatalo, siyempre. Most bachelors were gathered around me and asking me about my designs and other projects. Nagsabi ako sa kanila ng totoo na iyon pa lang ang pinaka-una kong proyekto. Mas lalo naman silang namangha dahil napaka-linis at 'in an experienced' level na raw ang designs ko. Tinanggap ko lang lahat ng mga papuri nila at magiliw na tinanggihan ang mga paanyaya na hindi naman konektado sa trabaho.
"You should formally form a group," komento ng isang matandang lalaki na nakikihalubilo sa amin. "The three of you have a very strong chemistry based on your work."
Napangiti ako. "I will try to tell them that, Sir. Thank you very much."
Halos sumakit na ang talampakan ko dahil sa ilang oras kong pag pagtayo. Sanay ako sa mga killer heels dahil halos gano'n naman usually ang gamit ko sa trabaho. But I was sitting most of the time when I'm in the office kaya nagagawa kong tanggalin ang mga heels ko. Ibang-iba kapag nasa social events na required talagang tumayo nang matagal para lang makipag-usap sa mga tao.
Part of the job, ika nga nila. Walang ibang choice kundi magtiis.
"Are you okay?" tanong ni Aniel sa akin habang sabay kaming lumabas ng reception hall.
"Medyo," sagot ko at kumapit sa kanyang braso. Paika-ika na ako sa paglalakad dahil masakit na talaga ang mga paa ko.
"Stop," he said and I stopped.
Kumunot ang noo ko nang lumuhod siya sa harapan ko saka pinagapang ang kanyang palad sa ibabaw ng paa ko.
"What are you doing?" tanong ko.
"Remove your heels."
I frowned. "Ayokong mag paa-paa. Baka may hindi pa nalinis na parte ng floor tapos may bubog."
He tilted his head upward para makita ako. I silently sucked my breath. This position. It's giving me a very bad but hot energy.
"I'll carry you," he said and tapped my heels. "Remove it. Now, Nemesis."
BINABASA MO ANG
Pursuing My Nemesis
Dragoste"Can you forget the past in exchange of the present?" After breaking up with her long term boyfriend, Nemmie Salvacion promised to herself to just focus on her work and to not be engaged in any romantic relationship yet. It is not because she was to...