Twenty Nine

242 12 4
                                    

Chapter 29

IT WAS INDEED surprising to witness some hidden personalities and skills of Aniel that I wasn't aware of since... right, we're not friends in the past. Kaya nakakagulat at nakatutuwa na ang dami kong nalalaman tungkol sa kanya ngayon na we're already dating.

"Saan mo natutunang magluto?" tanong ko habang tuwang-tuwa na kinakain ang hinanda niyang bulalo para sa gabihan namin. Kainis. Ang sarap niyang magluto. Mas masarap kaysa sa akin.

"I'm already cooking for myself since I was a kid," sagot niya habang pinagmamasdan naman akong kumain.

I pouted my lips and looked at his plate. Kanina pa siya tapos kumain. Binigay na nga rin niya sa akin 'yong natira niyang ulam. Ang onti niya kumain. Sa pagkakaalam ko pa naman, nagdyi-gym sila ni Channing. Hindi ba dapat marami silang kinakain para mabawi 'yong lakas nila?

"Sino'ng nagturo sa 'yong magluto?" I asked him. "Mama mo?"

"Do you like some more?" tanong niya tapos kinuha na naman 'yong plato ko para lagyan ng kanina.

"Hoy! Hindi na! Busog na ako. Grabe ka," pigil ko sa kanya. Binawi ko na rin mula sa kamay niya iyong plato ko kasi baka hindi siya makinig tapos lalagyan pa niya 'yon ng kanin. Eh, ayoko na talaga.

At dahil hawak ko naman na iyong plato ko, kinuha ko na rin iyong mga naiwan sa mesa saka inilapag lahat sa lababo.

"Nemesis," tawag ni Aniel nang makita ang ginagawa ko. "Stop that. I'll do the cleaning."

"Then let me do the washing," sagot ko naman.

Nakakahiya na siya pa ang maghuhugas ng pinagkainan namin,e eh, siya na nga ang nagluto. Dapat may ambag din ako rito. Hindi pwedeng palamunin lang ako. Baka hindi na niya ulit ako iimbitahan next time. Gusto ko pa namang magpaluto sa kanya ulit ng ulam. Chicken curry naman. Baka masarap din ang timpla ni Aniel doon.

"Ako na. Please?" I said while pouting when he tried to steal the sponge away from my hand.

Aniel sighed and let me do what I want. Napangiti naman ako at nagpatuloy na sa paghuhugas ng mga plato.

Naramdaman ko ang mga galaw ni Aniel sa likuran. Nang lingunin ko siya saglit ay nakita kong nagpupunas siya ng lamesa habang may nakaipit na walis tambo sa gitna ng tagiliran at braso niya. Suot pa rin namin ang office attire namin. Aniel was still on his white dress shirt, pero nakabukas na ang unang tatlong butones nito. Naka-slacks pa rin siya pero tinanggal na niya ang kanyang sapatos at medyas. Suot din niya ang specs niya dahil ginamit niya 'yon kanina para magbasa ng packagings.

I smiled widely and bit my lower lip, stopping myself from chuckling audibly. Ayokong isipin niya na pinagtatawanan ko siya where in fact, I was amazed by what I was witnessing.

Ang cute niya. Kainis talaga!

I tried so hard to get back to fixing the plates on their places. Lumabas naman na si Aniel at nagtungo sa sala para doon naman magwalis. Pinunasan ko muna ang counter para magmukhang malinis ito bago ako sumunod sa kanya.

"Aniel," tawag ko. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. "Wala akong dalang spare clothes."

Aniel blinked twice before getting my point. Napatayo siya nang tuwid saka ibinaba ang walis sa gilid. He motioned his bedroom and I followed him inside.

"I have some shirts and boxers that I'm using anymore. You can use then if your comfortable," he said while rummaging through his clothes.

"Okay," tipid na sagot ko at hinayaan siyang magkalkal doon.

I looked around his room for a moment. It was just a typical room of a guy with a typical color scheme: grey and white. Malalaki rin ang kulay abong kurtina na nakaharang sa sliding window ng silid. Nasa tabi ng isa pang pintuan ang closet ni Aniel. I guess that's the bathroom. Naglakad ako sa tapat ng kama at saka napangiti nang makita ang isang Mahogany shelf na naglalaman ng maraming libro. I scanned the books with my eyes and my eyebrows shot up when I noticed something.

Pursuing My NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon