Chapter 30
I WAS DISTRACTED the whole day because of what my brother said to me. Pagdating ko sa ASDG ay agad ko siyang tinawagan para sana magpaliwanag pero hindi niya ako sinasagot. Gabi na nang mag-text siya sa akin na sa Sabado na raw kami mag-usap dahil marami siyang gagawin. I didn't have any choice but to wait until Saturday para lang makausap ang kapatid ko.
"Something's bothering you?"
Napaangat ang tingin ko kay Aniel nang magsalita siya. "What?"
He pursed his lips. "Are you okay, Nemesis?"
Napakurap ako at saka tumango. "Okay lang ako."
"You're spacing out. Something's wrong at work?" he asked, sounding concern.
"Wala naman. Medyo pagod lang siguro ako. Ang dami kong inayos na paperwork," I said and smiled at him.
Pinagmasdan muna niya ako saglit bago tumango at nagpatuloy sa pagkain.
We were currently dining out at The Goddess. Pareho kasi kaming nag OT sa trabaho dahil sa dami ng ginagawa. I don't have any idea na sobrang dami palang gawain ng isang senior designer sa ASDG. Pati ako na ayaw ang OT, napipilitan na rin dahil sa rami ng ginagawa. Alam ko na rin ngayon kung bakit minsan lang namin nakakasama sa gimikan si Miss Jemma noon. Mas priority na talaga ng isang senior ang trabaho kaysa sa socialization.
"Nag-uuwi ka ba ng trabaho mo?" Aniel asked.
Umiling ako. "Sinasanay ko na ang sarili ko na mag-overtime. Nakakatulog kasi ako madalas kapag sa condo ko ako nagwo-work. Nilalandi ako ng kama, eh."
Aniel smiled and shook his head. "Do your work away from your bed. Sa hindi mo nakikita 'yong kama mo."
"Kahit na. Mabilis talaga akong antukin kapag nasa unit ako," nakangusong sabi ko.
Kumakain na kami ng dessert nang may mapansin akong pamilyar na babae na naglalakad patungo sa hot kitchen. She was wearing a lavender dress that exposed her bare back and white sandals. Maikli ang kanyang buhok kaya kitang-kita ang ganda ng kanyang likod.
"That's Artemis Cordova, right?" tanong ko kay Aniel. Nilingon niya ang pinagmamasdan ko at marahang tumango. "I wonder what she's doing here."
"She's engaged with the owner of this restaurant." Napatingin ako kay Aniel sa gulat. "Her twin brother told us."
"Really?" I grinned. "That's great news! Kailan daw ang kasal?"
Aniel shrugged. "No exact date yet."
Napatingin ulit kaming dalawa sa pinto ng hot kitchen nang bumukas iyon. Artemis Cordova and a man wearing a white dress shirt and black slacks walked out from the kitchen. Napangiti ako nang makitang magkahawak-kamay silang naglalakad habang masayang nag-uusap. They looked so happy and in love. Their hearts were all over the place. Maging ang ibang mga kumakain ay napapalingon din sa kanilang dalawa dahil sa lakas ng presensya nila. And their chemistry were at peak. Sobrang bagay!
Napatingin ako sa mesa nang maramdaman ko ang paghawak ni Aniel sa kamay ko na nakapatong doon. I looked at his face and smiled. He licked his lower lip before leaning forward.
"Do you have plans this Saturday?" tanong niya habang hinahaplos ang likod ng kamay ko.
Bumalik ang bigat ng dibdib ko nang maalala ang naging usapan namin ni Kuya Dom sa parking area. I was still really bothered by his reaction towards Aniel. Hindi naman sila magkakilala ng binata, pero hindi ko alam kung bakit parang galit na galit si kuya sa kanya. Siguro sa dami ng kwento ko sa kapatid ko tungkol sa amin ni Aniel noon ay naipasa ko na rin ang galit ko sa kanya. But those were in the past already. Dapat ma-explain ko kuya kung ano na ang nagyayari sa amin ni Aniel ngayon.
BINABASA MO ANG
Pursuing My Nemesis
Romance"Can you forget the past in exchange of the present?" After breaking up with her long term boyfriend, Nemmie Salvacion promised to herself to just focus on her work and to not be engaged in any romantic relationship yet. It is not because she was to...