Twenty Four

287 16 8
                                    

Chapter 24

THE WHOLE LOBBY of the main building was finally done. From its interior to exterior designs, natapos na lahat at na-polish na rin ang ilang mga errors na nakita ni Triton noong nakaraan. I am now currently starting to make some adjustments sa designs ko para sa hotel rooms. Since nakasunod ang designs ko sa landscape designs ni Aniel, at may ilan siyang pinalitan sa original plans niya, ako na ang nag-adjust para rin sa initial designs ko.

We've been in Batangas for two weeks now. Mabilis magtrabaho ang mga tauhan na kinuha ng ASDG para sa project na 'to kaya hindi rin naman kami nahirapan sa mga adjustments. And since karamihan sa kanila ay wala nang ginagawa sa mga landscape structures na pinapatupad ni Aniel, humiram na ako ng pwedeng tumulong sa akin para naman sa interior ng mga rooms.

The next days became more hectic for me and freely for the two guys. Panaka-naka ang dalaw ni Triton sa akin lalo na kapag kailangan ko ng katulong sa mga measurements. Siya na lagi ang nakakasama ko sa trabaho at sa pagkain. Hindi ko naman madalas makita si Aniel dahil siya ang panay balik sa Manila para sa mga meetings at iba pang ganap tungkol sa project na 'to.

"Nakita mo na ba 'yong ipinatayong fountain ni Architect Felan sa harapan ng resort?" Triton asked me once we're done measuring the sixth room.

"No, not yet," I replied and wiped my sweat with the back of my hand.

"You should check it. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano noong nakita ko." Ngumisi siya.

I sighed and turned around. There were twelve hotel rooms in total in this main building. Papunta pa lang kami sa ika-pito at may lima pang kailangang tapusin. Honestly, measuring the interior is one of my most hated parts of being an interior designer. I just want to create designs and then put them into reality. Pero hindi naman ganoon kadali 'yon. Madami pa ring technicalities and I'm aware of that.

"You should also see the man-made falls than we put near the pool area. Iyon na 'ata ang pinakamagandang landscape na nagawa ko simula noong naging engineer ako. Aniel's designs are sick!" Triton continued.

"Papasyal ako mamaya. Tapusin muna natin 'yong nga natitirang rooms."

Triton nodded. "Samahan kita mamaya."

Lumipat na kami sa kabilang room at nagsimulang magsukat na naman.

"Nemmie," Triton called me while I was busy listing down the measurements. "Are you okay?"

Saglit akong natigilan bago tumango. "Yeah. I'm okay. Bakit?"

Nilingon ko siya. He was standing a few meters away from me and looking at me intently. Hawak niya iyong tape measure niya habang bahagyang naka-spread pa. He was only wearing a black polo shirt and jeans. Kumpara kay Aniel ay mas maiksi ang buhok ni Triton and it was on a clean cut.

"You seems bothered."

Kinunotan ko siya ng noo. "Why would I be?"

He shrugged. "I don't know. You tell me."

I scoffed. "You are such an over thinker." He frowned at me. "I'm fine, Triton."

Tinitigan muna niya ako nang ilang segundo bago siya bumalik sa ginagawa.

"Do you miss Aniel?" tanong niya pagkaraan ng ilang segundo.

I sucked my breath and looked around the room. Alam kong narinig ng mga kasama namin ang itinanong ni Triton sa akin. Bwisit! Can't he wait until we're on our break bago siya magtanong ng mga personal na katanungan sa akin?

"Bakit ko naman siya mami-miss?" sabi ko at nagkunwaring busy sa pagtingin sa color palette na dala ko.

"Bihira na lang kayo magkita at mag-usap kahit na nasa iisang lugar lang tayo," sabi niya. "I caught you yesterday. You were watching him while he was working on the lounges. Nagtataka nga ako bakit hindi mo na lang siya nilapitan. Nagmukha kang stalker."

Pursuing My NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon