Chapter 39
THE PARTY ENDED at two o'clock in the morning. Nagsi-uwian na ang ilang matatandang guests kasama ang kanilang mga bantay habang karamihan pa rin sa mga staffs ng ASDG gaya ko ay nasa venue pa. Dito na ginanap ang after party dahil pumayag si Engineer Cordova na maglabas ng ilang mga inumin ang caterers.
I was already tipsy nang palabas kami ng building. Nakaalalay sa akin si Aniel habang nakasunod naman sa amin sila Channing at Freeda. Nakita ko kanina sa venue si Triton at binati lang niya ako. I asked him if he's with someone pero isang makahulugang ngiti lang ang iginawad niya.
My parents... I didn't see my parents after the announcement. Hindi ko na sila mahagilap sa buong hall kanina, pero alam kong narinig nila ang mga sinabi ni Architect Cordova. Alam ko ring nakita nila ako na tumayo sa harapan para i-prisinta ang sarili sa mga tao. I was proud to stand in front of everyone. Aniel was also proud. My friends and team were proud. Triton was proud.
I wished my parents, too.
"Aniel," medyo lasing na ani ko habang nakasandal sa passenger seat ng kanyang sasakyan. "Sa condo ko tayo, ha?"
"Why?" he asked and fixed my seatbelt.
"Mas malapit."
He drove until we reached my condominium building. Nakaalalay lang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa loob ng unit ko. Dinala niya ako sa kwarto at tinulungang alisin ang damit ko para palitan iyon ng pantulog. At dahil nakikitulog din minsan si Aniel dito ay may mga damit na rin siya sa closet ko. Nagbihis din siya bago tumabi sa akin.
"How many bottles of wine did you have?" he asked while he's fixing my pillow.
"Just four—or five... six... seven. I can't remember." I giggled. Shit. I guess the wine had its effect on me.
Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Aniel sa tabi ko pero masyado na akong inaantok para punain pa iyon. Hinayaan ko lang siyang suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri niya hanggang sa makatulog ako.
Nang magising ako kinaumagahan, wala na si Aniel sa tabi ko. The bedroom's door was open kaya naririnig ko ang ingay mula sa living room. Bumangon ako at pumasok sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa sala para silipin kung ano ang ginagawa ng boyfriend ko.
Napangiti ako nang maabutan ko siyang nag-wo-work out sa sala. Nakabukas ang flat screen TV at may naka-play roong upbeat music. Aniel was on the floor, shirtless and sweaty, while doing some intense push ups.
Hindi niya ako nakikita mula sa kinatatayuan ko. I had a very nice view of his perfectly sculpted body. Maputi ang kanyang balat at medyo namumula dahil sa pagod. Naglakbay ang mga mata ko pataas hanggang sa kanyang mga braso. I bit my lower lip as I noticed how hard his biceps were. At dahil nagpu-push up siya ay lumalabas din ang mga ugat sa kanyang braso at kamay.
Tumigil si Aniel at tumayo. Nakaharap ang katawan niya sa akin pero nasa glass wall ang kanyang atensiyon, tinatanaw ang mga gusali sa labas. He was catching his breath, his hands were placed on his waist. Nakaawang ang kanyang mga labi at may ilang butil ng pawis ang bumabagsak mula sa kanyang noo pababa sa kanyang leeg at patungo sa kanyang matipunong dibdib. I swallowed so hard dahil pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko.
"Can you get me some water, love? Kuhanan mo na rin ang sarili mo. You look thirsty from watching me," he said and turned his gaze on me.
Natigilan ako at napakurap.
Shit! Kanina pa kaya niya ako napansin?
"Are you okay, Nemesis?" Isang nakalolokong ngisi ang ibinalandra niya sa harapan ko. I felt my cheeks heating up so badly.
BINABASA MO ANG
Pursuing My Nemesis
Romance"Can you forget the past in exchange of the present?" After breaking up with her long term boyfriend, Nemmie Salvacion promised to herself to just focus on her work and to not be engaged in any romantic relationship yet. It is not because she was to...