Two

355 23 5
                                    

Chapter 2

I WAS RUSHING towards our office while carrying my bag. Past nine na nang makarating ako sa ASDG dahil sa sobrang traffic sa metro. Tumagal din ako nang ilang minuto sa parking lot dahil wala akong mahanap na parking area para sa sasakyan ko. Sa sobrang dami ba naman kasi ng empleyado ng ASDG at halos lahat ay may sarili ng mga sasakyan, parking area talaga ang susuko para sa amin.

"Nemesis! I told you to be here at nine. Anong oras na?" bungad sa akin ni Miss Jemma pagkapasok ko sa planning room namin.

"I'm so sorry, Miss Je. Traffic po," sabi ko habang nagmamadaling bumaba ang mga gamit ko.

"Nasa board room na si Architect Felan kasama ang mga clients. Nagsimula na sila kanina pa. Sinabi kong hintayin ka na nila, pero ayaw niyang paghintayin ang mga bisita."

I nodded my head with Miss Jemma's explanation. Naiintindihan ko si Aniel. Tama lang ang ginawa niya na simulan na ang meeting nang wala ako. We are all professionals. We should act like one. Hindi dapat pinaghihintay ang mga kliyente.

"Pupunta na po ako roon," nagmamadali kong sabi sabay kuha sa sketchbook at shade book ko.

"Sandali, Miss Nemesis—" I closed the door behind me, cutting off Miss Jemma. I don't have time!

Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa harapan ng board room. Huminga ako nang malalim bago kumatok nang mahina sa mahogany door niyon. I opened the door carefully so that I could not create ang disturbing noises.

Bumungad sa akin ang malalim at swabeng boses ni Aniel na kasalukuyang nagpe-presenta sa harapan. Pumasok ako at dahan-dahang pumunta sa pinakadulo. There was a vacant chair beside a middle-aged man that I suspected to be one of the clients. I excused myself and sat beside him. Ngumiti lang siya sa akin kaunti bago itinuon ulit ang atensyon sa harapan.

"...of the designs that would be chosen personally by you. If you want a single design for the whole resort, including the beach bar and the outdoor changing rooms, it's fine. We can adapt whether the initial outdoor plans or the interior ones. The decision is all on you, Sirs and Ma'ams. Whichever you wanted to be followed."

Nagpatuloy si Aniel sa harapan. Napabaling ako sa katabi ko nang kuhanin niya ang atensyon ko.

"Are you one of the newbie designers here?" the man asked me.

Ngumiti ako at marahang umiling. "No, Sir. I'm a Junior Interior Designer."

He smiled. "Impressive."

Napapansin kong panaka-naka niyang tinitignan ang bandang leeg ko pero hindi ko na 'yon ginawang big deal. Hinayaan ko siyang makipag-usap sa akin sa mahinang boses. He asked for some questions about our company which I answered in an honest and respectful way. Nang magsawa siya sa akin ay ang katabing matanda naman ang kinausap niya.

The clients talked in their low voices when Aniel finished his presentation. I leaned over to his secretary na kasama rin sa meeting para hingin ang minutes. Alam kong hindi pa tapos ang meeting, but I want to catch up kung ano man ang mga hindi ko naabutan.

I was busy reading the minutes that I did not even notice Aniel went behind me. Muntik pa akong napasigaw nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko habang nakayuko siya malapit sa tenga ko.

"What is it?" I hissed because I hated how my heart is bursting right now.

"Did you bring your layouts?" he asked over my shoulder.

"Anong layouts? Iyong ginagawa namin last week?" He didn't answer. Jerk. "I did not. Bakit ko dadalhin 'yon? Hindi pa tapos ang mga 'yon."

"You should've brought it even if it's not complete. I need the designs pronto."

Pursuing My NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon