Thirty Two

256 17 2
                                    

Chapter 32

ANIEL WAS SURPRISED when we arrived at the Kupid's Arrow bar and our friends sang an epic birthday song to him. Pulang-pula ang kanyang mga tenga at halos sindakin na kami sa talim ng mga mata niya.

"Blow your candles, Aniel. Huwag kang KJ. Si Nemmie pa naman ang nag-request nito," sabi ni Freeda sabay ngisi sa akin.

Aniel looked at me and pouted his lips. "Thank you for the cake, but you shouldn't have told them to sing that childish song for me."

I laughed and held his hand. "Isang beses sa isang taon mo lang naman maririnig 'yon. Hayaan mo na."

Aniel rolled his eyes which made me laugh louder. I urged him to blow his birthday candles na nakatusok sa birthday cake na pina-rush ko lang. Mabuti na lang at available ang cakes dito sa Kupid's at si Artemis Cordova pa talaga ang tumanggap sa rushed request ko. Nilagyan lang naman niya ng kaunting designs iyong chocolate cake para mas maging personalized tapos nagpalagay na rin ako ng tatlong maliliit na kandila. Ayos lang naman para sa akin na hindi na 'yon ihipan ni Aniel, pero inaasar na siya nila Channing at para na silang bata na nagkukulitan sa table namin.

"Happy birthday!" Nagpalakpakan kami nang mapilit nila si Aniel na ihipan ang mga kandila.

"Grabe. Ang tanda mo na. Naiiyak ako," maarteng sabi ni Channing kaya nakatanggap na naman siya ng irap mula kay Aniel.

"Kung makapagsabi ka naman ng matanda," I said. "Magkakasing-edad lang naman tayo rito."

Channing laughed. "Girl, no. Aniel's already twenty-nine. Right, Aniel?"

Napakurap ako at gulat na bumaling sa kanya. He's already sulking beside me at mas lumala lang 'yon nang marinig niya ang sinabi ni Channing.

Wow. I don't know that he's three years older than us. Akala ko talaga ay magkakasing-edad lang kami nila Freeda at Channing. Triton's older than us by two years.

"Magkasing-edad lang pala kayo ni Kuya Dom," sabi ko sa kanya.

"Yeah..." he whispered, feeling a bit shy.

"Akala ko magkababata kayo ni Chan?" takang tanong ni Freeda.

"We basically grew up together. But he's older than me," Channing answered.

"But why are we all on the same batch? Hindi ba dapat ka-batch mo si Domino, Aniel?" Freeda intrigued more.

"I entered college when I was twenty-one," Aniel said.

Tumango-tango si Freeda sabay baling sa akin nang may ngisi sa mga labi. Tinaasan ko siya ng kilay. What is this girl trying to say?

"Paano kayo naging magkaibigan ni Channing?" tanong ko kay Aniel.

Bumaling siya kay Channing. Channing smiled and waved his hand dismissively. Kinuha niya ang kanyang shot glass saka uminom doon.

"You can tell them if you're comfortable enough," Channing smiled at Aniel.

Pinagmasdan ko silang dalawa. Sobrang tagal na ng pinagsamahan nila and I know how comfortable Aniel was whenever he's around Channing. Hindi naman ako nagseselos na mas maraming alam si Channing tungkol kay Aniel kasi understandable naman na mas malalim ang pinagsamahan nilang dalawa kumpara sa amin na nagsisimula pa lang. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mainggit nang bahagya kasi 'di ba Aniel and I were already dating, but it seems to me that we still haven't started getting to know each other yet.

Gaya na lang ng nangyari ngayong araw. Kung hindi ko pa nalaman kila Freeda na birthday ni Aniel ngayon, siguro ay kasama ko ngayon si Kuya Dom at mas malala lang ang naging away naming dalawa. Tapos magtatampo pa si Aniel kasi hindi ko alam na birthday niya.

Pursuing My NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon