Thirty Four

252 16 8
                                    

Chapter 34

IT WAS NOW three days before Christmas. On the 29th day of December is the company's year-end party, and here I was, already stressing out about what to wear.

"Aren't you supposed to be busy with your portfolio? I thought you were rushing to finish it until the end of the year," tanong ni Aniel habang prenteng nakaupo sa gilid ng kama ko habang may kalong na libro. He's now reading a work of Nicholas Sparks he got from my shelf.

"Hinihintay ko na lang iyong part nila Kendall and then pwede ko nang i-check. Huli na 'yon tapos mako-kompleto na namin ang inumpisahang project ni Miss Jem," sagot ko habang tinitignan pa rin ang laman ng closet ko. "What should I wear for the party?"

I heard Aniel leave the bed and went behind me. Niyakap niya ako mula sa likuran at agad naman akong napasandal sa kanyang dibdib. It's been my favorite place since I started dating Aniel, inside his embrace.

"Malayo pa naman iyon. You can still think of it thoroughly."

"But I want to be prepared," I whined.

Aniel kissed my temple and swayed me gently. "It seems like you're looking forward to the company's party more than celebrating Christmas with me."

Mabilis akong umikot paharap sa kanya at niyakap ang kanyang bewang. "I'm excited to celebrate Christmas with you."

Tumaas ang kanyang mga kilay. "Really? Are you prepared for it?"

Ngumuso ako at saka umiling. "Hindi ko pa nasasabi kay Kuya Dom na hindi ako uuwi ngayong pasko."

Aniel sighed and caressed my back. "You should talk to him now. Baka umaasa 'yon na sasama ka sa kanya pauwi ng Ilocos."

Hindi pa ulit kami nakakapag-usap ng kapatid ko matapos ng sagutan namin ilang buwan na ang nakararaan. It was painful and disappointing, but I already did my part to fix this mess. I tried many times to reach for him and talk to him, pero siya naman itong umiiwas. Ilang buwan siyang wala rito sa Manila dahil sa sunod-sunod na pagtanggap niya ng mga projects sa Aurora at Aklan. Pagkatapos niya sa mga projects niya ay bumalik na siya rito sa Manila pero hindi ko pa rin siya nakikita. Tama lang na isipin kong iniiwasan niya ako dahil kung gusto niya talagang magkaayos kami, lalapitan niya rin sana ako at kakausapin.

Nalaman ko lang kay Freeda noong nakaraang linggo na nasabi raw sa kanya ni Kuya Dom na uuwi siya ng Ilocos para doon mag-Pasko. It's not surprising since masyadong demanding si Mama na dapat kumpleto kami tuwing Pasko. Kahit na hindi kami okay, pinipilit ko pa rin talagang umuwi ng probinsya para lang sa tradisyon niyang 'yon. Usually, babyahe ako sa 24 ng umaga, tapos aalis din sa 25 ng gabi. Ayos lang naman kay Mama 'yon basta makisalo ako sa kanila sa Noche Buena.

Pero hindi ko 'yon gagawin ngayong taon. I decided to celebrate Christmas with Aniel. With my boyfriend. Pwede ko naman siyang isama sa Ilocos para sabay-sabay naming salubungin ang Pasko, but why would I do that? Aniel's not Channing. And if he's not Channing, it means that they won't accept him. Ayokong iharap si Aniel sa pamilya ko para lang ipahiya nila o sabihan ng masasakit na mga salita.

Pagdating ng gabi, sinadya kong magtungo sa unit ni Freeda para tumambay roon saglit habang hinihintay ang pagdating ni kuya galing sa trabaho. Ang sabi ni Freeda ay nagre-report na lang daw ito lagi sa opisina at hindi na dumadalaw sa mga project sites dahil nga holiday season na.

Gusto ko pa sanang itanong sa best friend ko kung bakit siya laging updated sa buhay ng kapatid ko. But I know Freeda. May pagka-tsismosa ang isang 'yon. Baka naririnig niya lagi si kuya dahil magkadikit lang ang kwarto nilang dalawa at medyo manipis ang dingding sa pagitan.

"I think he's already home," sabi ni Free na kagagaling lang sa balcony. "Nakabukas na ang ilaw ng unit niya."

Tumayo ako at nagpasalamat sa kanya. "Have dinner with me tonight?"

Pursuing My NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon