Chapter 9
HINDI KO ALAM kung bakit ako ang target ng universe ngayong araw. Sa sobrang daming ganap kaninang umaga hanggang ngayong pauwi na ako, hindi ko aakalain na may dagdag pa ang mga 'yon.
From: Mama
Nandiyan na ba ang kuya mo?That was the text message that I received during my staring contest with Aniel at the hallway. Nang mabasa ko 'yon ay walang lingon-likod akong umalis sa harapan niya para lang makasakay sa elevator. I heard him calling my name with his hard tone like he went pissed by my sudden walk out, pero hindi ko na siya pinansin dahil saktong sumara na ang elevator nang tangkain niya akong habulin.
Dumeretso ako sa parking area para sana sumakay sa sasakyan ko nang maalalang nasa talyer pa pala iyon. I paused when I remember Aniel. Iyon kaya ang dahilan kung bakit nasa labas na naman siya ng planning room para hintayin ako? Balak ba niyang ihatid ako papuntang talyer?
I sighed and cursed silently. Sakto namang tumunog nang dalawang beses ang message alert tone ng phone ko. Magkasunod na mensahe mula kay kuya at Aniel ang natanggap ko.
From: Aniel
Why did you leave? Do you have your car already?From: Kuya Dom
'Di ka pa uuwi? Nasa condo mo ako.I bit my lip while sliding my phone inside my bag. What was he doing here? Why didn't he just went straight home to our parents? Hindi ko naman siya gustong makita. It's our parents who wanted him home every end of his contract.
I tapped my foot on the ground impatiently. Hindi ko alam kung tama bang tumayo rito sa gilid ng parking area at hintayin si Aniel na magpakitang muli sa harapan ko. Matapos ko siyang hindi pansinin sa itaas kanina, ang kapal naman ng mukha kong asahan siyang magpakita ulit sa akin, 'di ba?
"Nemesis."
I pursed my lips just before I could say something. I knew the universe is playing with us right now. Hilingin ko man o hindi na magkrus ang landas naming dalawa ng binata, ibibigay at ibibigay pa rin ng tadhana ang pagkakataon na magkita at magkasalubong kami.
Humugot ako ng isang malalim na hininga bago hinarap si Aniel. Sinalubong niya ako ng isang nagtatakang tingin.
"Hi!" I greeted him.
His forehead was creased and he looked like he wanted to psych me for being weird.
"Iniwan mo ako sa taas," sabi niya na parang napakalaking kasalanan ng ginawa ko.
"Yeah. Sorry about that. Nag-space out lang ako," sagot ko sa kanya. This is so awkward. "Uh, anyway. Iyong sasakyan ko..."
He tilted his head on the side. "I know. Kaya kita hinintay sa taas kanina. But you left me."
Hindi na lang ako sumagot. Dalawang beses na niyang sinabi na iniwan ko siya. Aware ako, okay? Nag-sorry na nga, eh. He doesn't have to say it twice.
"Pwede bang paki-hatid ako sa talyer? Malayo ba 'yon?" I asked. I didn't mean to sound urgent. It's just that the idea of having my brother in our condominium building was stressing me a bit.
"It's a twenty-minute ride from here."
I tsked. Masyadong mahabang oras 'yon. Baka hindi ko na maabutan si kuya sa lobby ng building pagkarating ko sa condo. Baka naireklamo na siya ng trespassing at sa presinto ko na siya maaabutan.
Goodness. His temper was not something that he could be proud of.
"You okay?" tahimik na tanong ni Aniel nang mapansin ang itsura ko. I fought the urge to roll my eyes at him. Hindi niya kailangang maging concern sa akin, 'no. Alam ko ang rason kung bakit na naman siya nandito.
BINABASA MO ANG
Pursuing My Nemesis
Lãng mạn"Can you forget the past in exchange of the present?" After breaking up with her long term boyfriend, Nemmie Salvacion promised to herself to just focus on her work and to not be engaged in any romantic relationship yet. It is not because she was to...