"The weather in Philippines is clear and sunny, with a high of 34 degrees for this morning..."
Tahimik na nakikinig si Maki sa announcement ng piloto, nang magsalita ang intern n'yang si Austin.
"Summer na nga pala sa Pilipinas ngayon, ano po, sir?"
Tumango si Maki kay Austin bago binalik ang tingin sa bintana ng eroplano. Maliwanag ang kalangitan sa labas. Maya-maya lang, hindi na n'ya kailangang suotin ang jacket n'yang makapal dahil tag-araw na sa pupuntahan nila.
Napa-buntong hininga si Maki.
Summer...
Summer na naman.
Babalik na naman s'ya sa Pilipinas pagkatapos nang anim na taon. Hindi n'ya alam kung anong mararamdaman n'ya. Matutuwa ba siya? Matatakot? Kakabahan?
Summer in Philippines is different. That's what the pictures that he took six years ago says.
Hindi niya alam kung ano ang nag-aabang sa kanya sa pagbabalik niya. Iyong mga tao na nakasalamuha niya. Ang mga lugar na pinuntahan niya noon.
Going back to a place that made him feel a lot of things... it is frightening him.
Marami ang tumatakbo sa isip ni Maki, nararamdaman niyang sumasakit na ang ulo n'ya. Inayos na lang n'ya ang upuan n'ya at pinikit ang mga mata. Matutulog na lang siya.
Bahala na kung ano ang mangyari pagbalik n'ya.
"Happy Birthday, Maki!"
Malawak ang ngiti ni Maki nang makita ang regalo ng Tatay n'ya.
"I have my own camera now?!" hindi makipaniwalang tanong ni Maki kay Hwangmin, ang tatay niya. Tumango naman ito habang malawak ang pagkaka-ngiti.
"Yes! Thank you, Appa!" mahigpit n'ya itong niyakap habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.
Buong summer, iginugugol ni Maki ang oras niya sa pagkuha ng litrato. Punong-puno ng mga halaman, bulaklak at mga tanawin ang Gallery ng camera n'ya.
"Say hello to your sister, Maki."
Unang kita ni Maki sa kapatid niyang si Yumi, agad na siyang napamahal dito. Nilapit niya ang daliri n'ya sa kamay nang kapatid na siyang hinawakan naman nito.
Sobra ang saya ni Maki. Nagkaroon siya ng kapatid sa pinaka-paborito niyang panahon.
Summers are the best, indeed.
Natapos ang Summer sa Korea pagkatapos ng dalawang buwan. Hudyat nang pagtatapos ng taon ang malakas na ulan. Sobrang lakas nito, pero tuloy pa rin ang klase. Masama tuloy ang timpla ng mukha ni Maki buong umaga.
"I'll pick you up after your school, then we can have your pictures developed. Does that sounds good for you, Maki?" Hwangmin tried to lift his son's mood.
Gumana naman ito. Nawala ang kunot sa noo ni Maki. Nakangiti na itong tumango.
Tumawa si Hwangmin at ginulo ang buhok ni Maki. Basta pagdating sa litrato, palaging ginaganahan ang anak niya. "Okay. Now finish your breakfast."
Buong araw hindi makapaghintay si Maki. Patingin-tingin s'ya sa orasan ng classroom nila. Gustong-gusto na niyang umuwi! Naiinis siya dahil parang biglang bumagal ang oras ngayong may gagawin s'ya mamaya.
"Okay! Class dismissed!"
Mabilis na nagpaalam si Maki sa bestfriend niyang si Kira, bago tumakbo papunta sa Parking Lot ng school n'ya. Malakas pa rin ang ulan, pero hindi nito natinag si Maki.
BINABASA MO ANG
Memories Begin in Summer
RomanceMakisig Daniel Kim thought his good memories of summer ended when his family decided to move to Philippines. Luckily, Isidro Benjamin Delicadeza, his new neighbor, offered to help him make new memories before he went back to Korea for his dreams.