Chapter 3: Sid

64 2 1
                                    

"Gago ka talaga, Sid! HAHAHAHA!"

Ngumuso ako bago humigop sa soft drink ko. Nakatambay kami ngayon sa bahay ni France, ang nag-iisang tropa naming babae. Hindi kasi siya madalas pinapayagan na lumabas, kaya kami na lang ang dumadayo. Pabor naman sa'min. Libre pa pagkain!

Kinuwento ko sa kanila 'yung nangyari kanina. Sinabi ko sa kanila na sinungitan ako noong Maki dahil hindi ko naayos 'yung kama niya, at siya ang tumapos.

Hindi nga sinabi sa'kin ang pangalan niya. Kung hindi ko pa kinuwento kina Sinag, hindi ko malalaman na Maki pala ang pangalan noon!

Cute pa naman niya. Ang bango pa. Amoy Abroad!

Pero kahit mabango s'ya, masama pa din ang loob ko. Hindi ko nasulit 'yung handa sa bahay ni Lola Mely! Pagkatapos akong sungitan noong apo niya, nawalan na ako ng gana kumain. Pati ata sikmura ko, nagtampo.


"Sorry, ha? Nagkakaliskis lang kasi ako ng isda sa palengke. Hindi ako gumagawa ng kama!" pagdedepensa ko sa sarili ko. "Isa pa, no one is perfect! Kung marunong ako gumawa ng kama, e'di ang perfect ko na?"

Binato sa'kin ni Sinag ang Chippy na agad ko din nasalo. Akala mo ha!

"Kung ako sa'yo, ibinebenta ko na lang sa Junk Shop ang utak ko, tapos bibili ako ng bago. 'Yung mapakinabangan ko." saad niya sa'kin bago humigop sa softdrinks niya.

"Bakit hindi ikaw ang gumawa? Ikaw ang naka-isip 'di ba?" masungit kong sabi. Mukhang mas kailangan nga n'ya 'yon kaysa sa'kin. 

"Aba!"

Inambahan ako ni Sinag nang suntok, kaya agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang mga braso ko. Ito talaga! Laging sa sakitan dinadaan ang lahat! Kaya lagi siyang tambay sa Guidance, e!

"Matagal nang magkakaibigan ang pamilya niyo, 'di ba?" tanong ni Leonel, isa ko pang tropa.

Sa'ming lima, sila ni France ang pinaka-matino. Parehas matalino! Hindi ko nga alam paano napadpad 'yan sa tropahan namin. Si France, nakaladkad siguro ni Sinag. Magbestfriend na sila ni Sinag simula noong mga bata sila. Ito namang si Leonel, nahuli naming nakatingin sa cellphone ni Vic noong Grade 7 habang nanonood sila ni Sinag ng bold. 


Shh! Secret lang namin 'yon!

Tumango ako bago binuksan ang chippy na binato sa'kin kanina ni Sinag. "Bestfriend ni Nanay si Tita Joanna simula noong mga bata pa sila. Sabi nga sa'kin, kaibiganin ko daw 'yung panganay n'yang anak. Nako, mukhang malabo!"

"Mukhang sa inyo ni Maki mapuputol ang koneksyon ng Delicadeza-Angeles ah!" saad ni Vic.

Nagkibit-balikat ako. Kung maputol, edi maputol! Anong gagawin ko? Alangan namang mag-makaawa ako 'di ba? Hindi naman siguro tatayo mula sa hukay ang mga ninuno namin para lang pagbatiin kami.

Teka... Kinilabutan ako doon, ah.

Pero, duda talaga ako na magkakasundo kami noong Maki. Ang dami naming pinagkaiba. Pormahan pa lang niya kanina, bukod-tangi na sa lahat ng nakatira dito. Mahaba ang buhok niya, hanggang batok. May istilo din na parang layered. Mullet yata ang tawag doon. Suot niya kanina ang isang black statement shirt at ripped jeans na kulay itim din.

Hindi mo halos makikita ang pormahang ganoon dito. Madalas, mayayaman lang ang ganoon pumorma. Kung hindi kalbo o may puyo, maiikli lang ang mga gupit ng mga lalaki dito. Tsaka itim na damit? Pass. Ang init kaya! Puro mga naka-sando at shorts ang mga tao dito. 'Yung iba nga, butas pa!

Memories Begin in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon