Pagkahatid ko kay Maki sa bahay nila, agad akong pumunta sa kwarto at tinawagan si Vic. Hindi ko alam kung bakit siya ang una kong tinawagan sa kanilang apat. Sana lang ay hindi niya ako gaguhin.
[Oh? Bakit?] tanong niya kaagad pagsagot niya ng tawag ko. Rinig ko sa background ang BGM ng Dota. Naglalaro na naman siguro siya.
"Busy ka?" tanong ko naman.
[Kung sasabihin kong oo, ibababa mo ba 'to?]
"Hindi. Itigil mo muna 'yan. Importante 'to." saad ko.
[Kapal talaga ng mukha mo.] inis niyang sabi. [Ano ba 'yon? Mamamatay ka na ba?]
"May crush ata ako."
[Putangina mo, Sid.] pagmumura niya. Kumunot naman ang noo ko. Si O.A! Wala pa, nagrereact na agad!
[Sorry, tol. Hindi tayo talo, e. It's not me, it's you. Masyado kang dugyot para sa'kin.]
"Baliw!" sigaw ko. "Para kang ewan, Vic! Hindi ikaw! Kadiri, ha?!"
[Ay, wow. Sorry, ha? Sino ba kasi 'yan?]
"Si Maki." diretso kong sagot. Gusto ko sanang pahulaan sa kanya, pero alam kong G na G na siya maglaro. Baka babaan ako nito ng tawag kapag napikon siya sa'kin. Mamaya ko na lang siya ulit iinisin.
[Ahh... Teka, anong 'ata'? Hindi ba crush mo naman talaga 'yon?]
"Huy! Wala akong sinasabi, ah! Issue lang talaga kayo!" pagdepensa ko.
[Ulol! Ako pa niloko mo. Lagi nga kayong magkasama!]
"May ginagawa kasi kami! Sinabi ko naman 'yon sa inyo, 'di ba?"
[Oo. 'Yung Paraluman ba 'yon?]
Umo-o ako. [Ano bang problema? Naglalaro ako, e. Istorbo ka.]
Kinuwento ko kay Vic ang lahat ng napapansin ko, pati na din ang mga nararamdaman ko nitong nakaraang araw. Sinabi ko din sa kanya na naguguluhan ako.
[Walang duda, crush mo nga.] sambit niya pagkatapos kong magkwento sa kanya.
"Paano mo nasabi?" kunot-noo kong tanong.
[Halata naman! Tsaka, matagal na din naming napapansin ng tropa 'yang nararamdaman mo. Ayaw lang namin sabihin kasi baka maguluhan ka. Parang confirmation na lang 'yang sinabi mo sa'kin na gusto mo talaga si Maki.] sambit niya.
"Ganoon ba talaga ako ka-halata?" tanong ko pa.
BINABASA MO ANG
Memories Begin in Summer
RomanceMakisig Daniel Kim thought his good memories of summer ended when his family decided to move to Philippines. Luckily, Isidro Benjamin Delicadeza, his new neighbor, offered to help him make new memories before he went back to Korea for his dreams.
